SSS Membership — 104 Pesos Lang Matulungan Mo Pamilya Mo
Kapag hindi ka pa member ng SSS, mag-member ka na. Kahit hindi ka namamasukan sa isang
company, puede kang maging SSS member. Kung hindi ka ini-enroll sa SSS ng pinagtatrabahuan mo dahil paminsan-minsan lang ang trabaho mo, ikaw na ang mag-enroll ng sarili mo. Kahit isang monthly contribution lang ang naihulog ng isang member, malaking tulong na yan sa pamilya kapag may mangyari.
Kagabi, napanood ko sa TV yong news tungkol sa 11 construction workers na nahulog sa Eton Tower sa Makati kung saang nireport na 10 ang patay at isa ang nasa hospital. Sabi ng mga workers at family members na ininterview, wala raw silang SSS membership.
Nakakalungkot. Sana, kung nag-SSS member sila (at sana kung tinuruan sila ng may alam) at meron silang naihulog kahit isang buwan lang, ang pamilya nila ay may makukuhang tulong mula sa SSS, para maidagdag sa maitutulong ng Eton, ng agency nila at iba pa na tutulong sa kanila.
Kahit isang buwan lang ang naihulog ng isang SSS member bago namatay, may makukuha ang pamilya niya na 20,000 pesos funeral benefit. Maaaring tataas pa ito sa mga susunod na taon. At posible pang merong makuhang ibang benefit, depende sa naihulog kahit konti.
Kahit ba construction worker na hindi employed ng company, puedeng maging SSS member?
Oo. You will be a Self-Employed member. Puede lahat na may pinagkakakitaang legal, kahit hindi stable ang kita, at kahit maliit ang kita. Puede ang farmer, fisherman, cigarette vendor, hospitality girl, house painter, carpenter, etc.
Sa premium chart ng SSS, ang pinakamababang sahod na nilista ay 1,000 a month. Ang contribution ng isang SSS member na kumikita ng 1,000 to 1,249.99 ay 104 pesos a month.
Huwag mag-alala na baka hindi mo mahulugan lagi. Okay lang. Ang importante, nag-SSS member ka at you paid at least one monthly contribution or premium. Siempre, mas mabuti para sa iyo at pamilya mo kung mahulugan mo pa ng maraming beses. Pero kung taghirap talaga, at least makapaghulog ka ng isa o dalawa.
Paano ba maging SSS member as Self-Employed?
1. Punta ka lang sa any SSS branch.
2. Sabihin mo sa guard o officer doon na gusto mong mag-SSS member as Self-Employed.
3. Hingi ka ng SSS Form RS-1 Self-Employed Data Record.
4. Sulatan mo ang form or fill out the form.
5. Ipakita mo ang original o certified true copy ng birth certificate mo, plus a xerox copy.
Kung wala kang birth certificate, puedeng baptismal certificate, driver’s license, passport, seaman’s book, o Professional Regulation Commission card.
May mga ibang klase pa ng IDs na puedeng gamitin pang-enroll — dalawa ang i-present mo kapag mga minor IDs ang gagamitin mo.
Dalhin mo rin ang marriage certificate at birth certificates ng mga anak mo para maisulat mo na agad na beneficiaries mo sila. Pero kung wala pa ang mga ito, okay lang, ang importante, makapag-member ka na.
6. I-submit mo, at antayin mo ang iyong SSS membership number, o kung anuman ang instructions ng SSS officer.
7. Magtanong ka na rin kung puede nang magbayad ng isang buwang premium, at kung papaano.
104 pesos ang pinakamababang hulog; ang susunod ay 156.
Para sa kumikita ng 1,000 to 1,249.99 pesos monthly, ang SSS premium ay 104 pesos.
1,250 to 1,749.99 pesos, ang SSS premium ay 156 pesos
1,750 to 2,249.99 pesos, ang SSS premium ay 208 pesos.
Kung nabasa mo ito, at nakapagmember ka sa SSS, at nakapaghulog ka ng one month of contribution, please mag-comment ka rito, para malaman ko kung nakakatulong sa iba ang magsulat nang ganito.
Become an SSS member. The 104 pesos you paid will help you and your family.
Comments
Whether in ENGLISH, TAGALOG or TAGLISH, your comments are well-appreciated, but please, not pure TEXT SPEAK, kasi matagal intindihin. Thanks a lot.
275 Responses to “SSS Membership — 104 Pesos Lang Matulungan Mo Pamilya Mo”
Leave a Reply





Is it different with Voluntary SSS Member?
Eight years ago, I visited one SSS branch then was located at Diplomat Building in Baclaran to register myself as a voluntary SSS member. Since the guard on duty can only give me, and others as well, limited answer to my inquiry, he directed me to stand in line at the forms section area. Upon my turn from the long line I was told by the SSS officer to stand in line again at the assessment section to ask for a printout of my contribution record. I told the person that I haven’t contributed anything and am present to file for a voluntary membership as a startup yet the officer insist I must do so and so I did. After a long leg hurting wait for my turn and for a printout with nothing to reflect on my hand, I went back to the forms section now with a different officer in charge only to be told that I cannot file a voluntary membership because I haven’t made at least a month contribution. I thought, what’s the purpose of having a ‘voluntary SSS member’ option if a person like me who is willing to volunteer himself to become a member be denied just because I haven’t made a month of contribution? Was it I that time who didn’t understand the term ‘voluntary membership’ or was the officer? I went home frustrated and hoped haven’t gone to that branch.
Two years after I got a job in a corporate company and now a regular SSS member. Yet I cannot forget that experience of mine. I hope it won’t be the same if I help someone recommending to visit the nearest SSS branch office to secure for a voluntary membership or the self-employed membership as you mentioned here. I pray there’s a positive change in the view of the SSS officers in assisting their fellow Filipino workers.
Thanks for the info.
panu po kung may unang sss n po ako at hindi pa nahulugan hangan neon.pero nung nagwork ako dati nhulugan un,neon ndi n po..
Hi Shella, kung gusto mong dagdagan ang SSS benefits na makuha mo in the future, ituloy mo ang SSS membership mo as Voluntary. Since sabi mo nagtrabaho ka noon at nag-contribute ka noon, magbayad ka lang ng gusto mong monthly premium, starting from 104 pesos, or 156 or 208, at i-start na ng SSS na Voluntary ka. Check this RS-Form — Contributions Payment form
Maraming Salamat po sa information na posted ninyo. Malaking tulong po para ma inform ang ating mga Kabayan!
May tanong po ako. Mula noong mag abroad ako parang 4 years na yata akong hindi nakapag hulog ng contribution. Ngayon ko lang uli nahulugan sa tulong ng Al Ghurair Exchange. Pwede ko pa po bang hulugan yung mga taon na hindi ko nahulugan?
Salamat po uli,
Ryan
Hi, Ryan, sori, pero hindi na. “A self-employed and voluntary member who fails to remit contributions after membership is approved, may pay the monthly contribution prospectively but is not allowed to pay contributions retroactively from the month no contribution payments were remitted.” Pero oks lang, nagsimula ka na uli, so oks na, may time ka pa. Ang important, makabuo ka ng 120 months in all, para mas ok ang pension. Thanks also for appreciating my post, it gives a good feeling.
By the way pala, may post din ako kung ano ang basis ng pension: http://www.workingpinoy.com/2011/02/continuing-sss-membership-contributions-for-overseas-filipinos/
Hi Kim,
It’s only now that I noticed that I haven’t replied to your comment last February.
I always make it a point to respond to comments on my blog, particularly long comments which certainly required some effort and time from those making comments. I don’t know why I missed your comments.
Somebody commented on that particular blogpost a while ago, so I saw your comments. Thanks a lot for sharing, and I’m sorry for failing to acknowledge your comments.
Another thing — I noticed your IP address, and that you’re somewhere in Illinois. I’ve a friend from somewhere over there who said she’s going to comment on my blog and test if I can recognize her. Now I’m thinking about the possibility. Are you the one? If not, just please disregard this paragraph.
Yes, I hope the SSS people have changed. But I know many there have not.
Thanks again, and best regards.
Nors of Working Pinoy
Hi Nors,
Yes, I did wait. If not for your reply now I would have already forgotten my comment on your post. Thanks for your reply.
Looking at and reading to your post sometimes leads me to more topics to read. I know it will require you, as you mentioned, time and effort to read at most all who made and shared their comment/s to a particular article. I would experience the same should I have an informative blog such as yours. Sometimes it wonders me how you get to have those topics at hand here at your blog site. Aside from responding to various comments, I believe it requires you to research those or sometimes pull the topic out from your experience.
I don’t know how my IP address points you out somewhere in Illinois as you claim but I’m here in Manila at all times – home and work. I guess I have to say I’m not the person your referring to living in that place.
By the way, I took the liberty of sending a copy of this article to other siblings in the family. I leave it to them to act upon their SSS contribution as a volunteer or a self-employed member.
I hope the SSS process has changed much over the years and would definitely benefit members alike. I also hope the best practices are observed for every local offices we have around so that every Filipino may feel they are treated fairly.
Salamat po.
gud day!
gus2 q lng po sna mlman kng pno po aq mka2pgapply pra mging member ng sss?
tska ask q po kng mki2ta pa pop b ung dting sss id ng asawa q? bgo po kc kme nging mgasawa ngwo2rk po xa sa s.m at my sss i.d na xa pero nwala po. pno po kya un? sna po m2lungan nyo po aq1 slamat po..
Hi Maria, wala kayong SSS sa King Surgical? 3 options ang puede sa iyo: 1. voluntary – pag meron kang SSS noon with a previous employer 2. self-employed — pag hindi ka pa nagkaroon ng SSS at wala kang employer 3. non-working wife — kapag your husband is working, at ikaw sa house. mamili ka sa tatlo, then I’ll give additional tips. Although dapat, if you’re working with King Surgical, and this company has more than 7 employees (not sure of the minimum number), dapat meron kayong SSS.
Hi Maria, sabi ng SSS, pag hindi nio na matandaan ang SSS number, visit an SSS branch, para hanapin nila at makopya nio uli yong number nio. Hindi puedeng magkaroon ng new number. Bawal. Bukod doon, sayang din yong mga una niong contributions.
gud day paano po ba yung sa case ng father ko nag stop siya ng hulog since 1987 nag in quire kami ang sabi ay 89months lang ang nahulugan niya, he needs 31months pa para mabuo ang 120months, if magpay po kami ng advance na 31months makakakuha po ba kaagad siya ng benefits? senior citizen na po kasi siya, kelan kaya siya makapag start ng pension?
Thanks po. God bless!
hi again in my case naman po paano ko po malalaman ang total contribution ko matagal na po akong walang work, need ko po sanang makita ang total contribution ko? sa paanong paraan po ba? gusto ko po sanang i continue as voluntary do i need to fill out another form para maging voluntary? Thanks po and God bless!
Hi Lyn,about your father’s case, hindi puedeng magbayad ng para sa months na nakalipas na. Puedeng magbayad ng advance pero i-apply sa current month or quarter plus mga sumusunod na months (future). I presume na wala pang 65 ang father mo kasi sinabihan kayo na di pa puede. Pag 65, puede nang kunin ang benefits kahit 89 months lang, pero lump sum, hindi pension. Puedeng magbayad na lang kayo every quarter (as the quarter comes) para makabuo ng 120 months para may pension siya by age 65 or earlier or after 65, kung gusto ang pension, at hindi lump sum. Ito yong sa SSS rules https://www.sss.gov.ph/sss/index2.jsp?secid=73&cat=4&pg=null
HI Lyn, about your own case, puede kang mag-enroll online sa SSS para makita mo yong contributions mo. Kaya lang you need your employer’s SSS number, and of course, your own SSS number. Puede mong tawagan at tanungin yong SSS number ng past employer mo, kahit isang employer lang. Then enroll sa https://www.sss.gov.ph/sss/register.jsp
To continue as voluntary, just fill out Form RS-5 https://www.sss.gov.ph/sss/uploaded_images/forms/editable/RS-5_2008.pdf and pay sa mga accredited banks. Mamili ka rito ng monthly contribution mo.
https://www.sss.gov.ph/sss/index2.jsp?secid=111&cat=2&pg=null Sabi ng SSS, once your start paying thru RS-5, automatic na-convert ka na from employee member to voluntary member.
Hi ask ko po ulit sa case ng husband ko, ano po bang gagawin namin dun sa 1 1/2yrs na di nahulugan ng employer niya dati ang sss niya, at kelan po ba ulit puede mag loan? nakapag loan na kami before kaya lang medyo natagalan bago nabayaran, pero fully paid na siya ngayon salamat sa amendment. di namin alam kung puede kami ulit mag loan kasi nagkaron ng blank na 1 1/2yrs kaya we doubt na makapagloan ulit but as of now 5mos na ulit siyang nakakahulog sa bago niyang employer. Thanks
Hi Lynn,ano yong sinabi mong amendment? yong sa penalty condonation?
Lynn: Kasi kung binayaran nio yong loan under the penalty condonation program, after 2 years pa uli bago makapag-loan. Doon naman sa hindi binayaran ng employer na 1.5 years, kung nabawasan ang father nio ng SSS every month at nakaprint sa pay slip, dapat puntahan ang employer at sabihing i-remit nila. Puedeng i-negotiate na for advance payments na lang (kasi may kaso yan na hindi sila nag-remit, pero meron ding penalty condonation program for employers, not sure kung on-going pa). Kung hindi siya nabawasan ng SSS, so wala talagang ireremit, hindi na puedeng habulin. Retroactive payments are not allowed.
Hi Nors
ask ko lang po, kung nahulugan muna yong 120 months contribution pwede ba na continuos pa rin yong hulog mo?
at ask ko lang nag start kc ako naghulog ng 312 pesos, magkano naman yong next quarter na babayaran ko.nabasa ko na rin yong new bracket ng sss.di ko kc maintindihan yong paghuhulog.di ba pwede dun sa mas malaki kaagad ang hulog..
Thanks po…
Hi Jess, oo, puede pa rin ituloy kung gusto mo pa, lalo na kung young ka pa. Kasi sa 3 calculations na pagpipilian kung magkano ang pension mo, isa ito: 1) kung 120 months lang, may pension ka pero ang minimum pension is 1,200. Pag more than 240 months, ang minimum pension is 2,000.
Ang next na higher payments sa 312 ay 364 and then 416, then 468. Sabi ng SSS, puede change one or two brackets without submitting any income statement. Wala namang sinabing limit na change lang minsan sa isang taon, o once every 6 months, so baka puedeng increase every month hanggang ma-reach mo yong gusto mong monthly. Pero magtanong ka pa rin sa iba ha, wala kasi akong makita sa rules nila. SSS also says if you like higher agad, submit your income statement.
Yong other two calculations ng pension ay: 2) 40% of average salary credit at 3) 300 pesos plus 20% of average monthly salary plus 2% of ave.salary for each year after 10th year. Sa 3 na yan, pipiliin ng SSS yong highest amount, yon ang pension.
http://www.workingpinoy.com/2011/02/continuing-sss-membership-contributions-for-overseas-filipinos/
hello po ang hirap po kasi kumontak sa landline ng sss, di po ba puede na kapag nakahulog na ako sa voluntary eh makakapasok na ako sa online?
Hi, Lynn, kapag magregister ka kasi sa SSS, merong part doon na hihingin ang number ng former employer mo. Yong ex-employer mo ang tawagan mo to ask their SSS no. Or tingnan mo yong SSS papers na binigay sa iyo noong umalis ka, baka andon yong number.
hi po..ask qoh lng po qng pwde p me mghulog as a vluntry mron n p ksi me sss dte p….my mku2ha po ba me bnfits kht smla ngaun august hngang nov hulog qoh ng mtrnity?ksi nov me mnganganak…tnx a lot….
Hi Anne, sabi ng SSS: Makakakuha ng maternity benefit if the SSS member has paid at least three monthly contributions within the 12-month period immediately preceding the semester of her childbirth or miscarriage. Ang semester of childbirth mo ay July to Dec 2011. Sabi, dapat nakabayad ka ng 3 months within July 2010 to June 2011. Hindi rin puede ang retroactive payments. Merong explanations ang SSS dito: http://www.sss.gov.ph/sss/index2.jsp?secid=53&cat=4&pg=null
ah..ganun po ba sayang naman hindi na me makaka kuha ng benefits late na pala ako..tnx po sa info….
hello!po..
ask ko po sana may sss e1 na po ako noong 2006 pero di pa po nahulugan dahil housewife lang po ako,,at meron din sss husband ko,,pwede ko po ba ipa volun tary member yun sss ko?para mahulugan ko?ano po ang gagawin ko?
Hi Leah, good na meron ka nang SSS no. Punta ka sa SSS and ask for RS1 forms (2 copies) and RS5 form. Bring your birth certificate (orig and zerox) and ID. Dalhin mo na rin yong E1 mo, just in case. Sa RS1, isusulat mo yong annual and monthly income mo. Kung gusto mo 104 pesos lang (minimum monthly contribution or premium), isulat mo doon 12,000 ang annual at 1,000 ang monthly. Puede ring 14,400 at 1,200, 104 pa rin. Mag-compute ka na lang kung gusto mong higher. Oks lang start ka sa 104, kasi puede namang mag-increase later on, one or two levels higher at a time. I-submit mo para ma-approve, ibibigay sa iyo yong isang copy. For payment, use the RS5 form. Puedeng one month, puedeng one quarter. Bayad ka sa SSS-accredited bank, puede sa SSS branch na tumatanggap ng premium payment.
1,000 – 1,249.99 104
1,250 – 1,749.99 156
1,750 – 2,249.99 208
2,250 – 2,749.99 260
2,750 – 3,249.99 312
3,250 – 3,749.99 364
3,750 – 4,249.99 416
4,250 – 4,749.99 468
Dalhin mo rin pala birth certs ng children at marriage cert para maisulat mo na dependents mo sila (orig and xerox din).
Pag okay na, I hope comment ka uli dito kung ano experiences mo para malaman din ng ibang gustong magpatuloy katulad mo.
hi..
just want to inquire regarding my sss..alam ko kasi til january 2011 nkabayad ako ng sss but i’m not sure kng naipasa before ung form R-3..then ngresigned ako sa employer ko ng february eh until now wla pa din ako sss dito..i’m 5 months pregnant now and i’l be giving birth on december..pwede ko ba ma-avail yung maternity allowance ko?
need to know po..
thanks..
Hi Jona, kung sabi mo nakabayad ka until January 2011, makakakuha ka ng maternity benefit, kasi meron kang 3 months na nabayaran sa 12-month period prior to your semester of delivery, which is July to Dec 2011. Tama ba na meron kang nabayaran na 3 months within July 2010 to Jan 2011? Naka-submit ka na rin ba ng maternity notification? Ano bale ang SSS status mo ngayon? May new employer ka ba? or magiging voluntary ka na? Kasi kung voluntary, you need an SSS-approved Form E-5.
salamat po sa pgreply..
yes po..kasi ako lagi ngbabayad sa bank ng sss payment namin dun sa dating employer ko po..pero pagkakaalam ko kasi dpat mgpasa nung R-3 form pra sa breakdown nung payment tama po ba? nung ginagawa ko kasi ung form na yon last january, 2011 sakto nkakuha ako new work that’s why dko na alam kung naipasa na nila ngaun yun sa sss..hopefully naipasa na ksi continuous nman payment..actually po dipa ko nkakapasa ng maternity notification..pwede pa po ba mgpasa today?..5 months na po ako on the way! dito po kasi sa new work ko mg-aaply plang sila ng pra sa sss ng employees po..pano po un kasi gusto ko din ituloy ung payment sayang naman po..
thanks!
Hi Jona, oo, magsubmit ka na ng maternity notification, should be ASAP, although sabi ng SSS dapat before delivery date. Papirmahan mo sa new employer mo. Ok lang na antayin mo na yong membership continuation with your employer, total qualified ka naman na for your maternity. Pero para sure, ikaw na ang mag-submit sa SSS branch, para mag-inquire ka kung tama ako sa palagay ko na qualified ka. Subokan mo ring mag-enroll sa online SSS, para makita mo yong previous contributions mo. You need your previous employer’s SSS number to enroll online.
thanks Nors..
balak ko na nga din po magpasa sa SSS..pero ask ko lang po kahit saang branch po ba pwede? sa manila po ksi ung SSS ko pero sa pampanga ko na po sana isasubmit..okay lang po ba yun? natry ko na din po mag-enroll online kaso ang hirap naman po..kumpleto na po information ko pero pag iaaccept na puro confirmed ID and password lagi..nag-email na din po ako sa members_assistance@sss.gov.ph regarding dun pero until now wla pa din response..well anyway thanks po sa information! Godbless
Hi nors,
sss naman.. si hubby kasi may unpaid loan sa sss lat 2006 pa yata, di na sya nakapg hulog ng contributions and at the same time, of course, d rin nabayaran yung loan nya.. how can we settle that? and pwede pa rin ba nya ituloy yung contributions nya? may penalty ba? thank you nors!!
Hi jona, maganda kung thru employer mo isubmit, kasi sila ang mag-aadvance sa iyo ng part of maternity benefits. Bukod doon, yong ang instruction ng SSS, at saka may part doon sa maternity notification na employer ang mag-fill-out, at dapat mai-submit sa kung saang branch sila nagfa-file. Pero sa voluntary o self-employed, sa nearest branch puede. File in 2 copies because you will need one form (merong tatak na Received ng SSS) for your maternity claim after child delivery. Best regards.
Hi obette, hahaha na-pressure tuloy ako na sagutin kita agad. Buti na lang homebased na ang work ko. Pareho kami ng hubby mo, napabayaan na ang SSS loans. Nag-aantay nga ako ng penalty condonation, kasi sayang naman yong penalty. Malaki rin. Merong condonation para sa employees dati, hindi ko sure kung na-extend. One time, tanungin ko. Pero sa SSS homepage kasi, wala eh, pero andon pa sa forms nila yong penalty condonation. Baka ikaw, puede mo matanong hehehe. Yes, puede niyang ituloy yong SSS niya kahit may pending loan. Gamitin lang itong form RS-5 https://www.sss.gov.ph/sss/uploaded_images/forms/editable/RS-5_2008.pdf. “Posting of payment will change the membership status from employee to voluntary” Tingnan mo na lang dito kung magkano ang gusto niyong monthly premium — https://www.sss.gov.ph/sss/index2.jsp?secid=111&cat=2&pg=null Andon sa RS-5 form yong payment deadlines.
hi Nors,
question ulit, what if ako nlang mgpasa then sabihin ko na resigned na ako dun sadating employer ko.kakahiya naman kc sa new employer kc mg-aaply plang pro iaadvance pa nila ung maternity benefits ko..okay lang ba kapag ganun?
Thanks!
Hi jona, I understand yong feeling mo na nahihiya. Bale mag-voluntary ka muna? Kasi dapat active member ang nagfa-file, di ba? unless recently separated member (yong may closure o retrenchment) Since parang nasa HR ka naman dati, basahin mo nga muna ito, tapos usap tayo.
https://www.sss.gov.ph/sss/index2.jsp?secid=54&cat=4&pg=null
Yong “What are the forms and documents needed in filing for maternity benefit?”
Jona, may digitized ID ka ba? kasi isa sa requirement pag voluntary. Check mo yong ibang required docs, mas maganda pagka-explain nila.
Hi Nors
US Citizen na ako and planning to stay here for good. I got 128 monthly contributions from SSS.
Pede bang makuha ko yung lumpsum contributions ko? I’m 44 yrs old.
thanks
Hi Ramil, bata ka pa, hindi pa puedeng makuha ang retirement benefit mo. At least 60 years old ang puede nang mag-claim ng retirement benefit, sabi ng SSS website. Sa Pag-ibig, puedeng reason ang permanent departure from the Phil (US citizenship), pero sa SSS old age at permanent disability lang ang reasons for retirement.
hi Nors
ung last na trabahao ko po eh nung march 2011 so yung last contri ko eh march2011 meaning 5 pa lng ang latest contri ko eh d po ba 6 ang kelangan para makapagloan? ngayon po eh plano ong magvoluntary, pwede bang hulugan ko na lng ung pang 6th na contri ngayong month of august para maqualify akonh magloan? 1st loan ko po..sana mabigyan nyo ko ng advise
salamat
Hi jedd, meron ka nang 36 monthly contributions? Kasi kung meron ka na, puede kang mag-file ng loan dahil meron kang 6 months na bayad within 12 months bago August o Sept (month of filing) kasi sabi mo last payment mo was March. PERO, mag-member ka muna as voluntary at magbayad ka agad para ma-post na, kasi current member dapat ang naglo-loan. Gamitin mo yong RS-5 na form for voluntary.
ano-ano po ba ang makukuha sa death claim benefits,ang hulog po ay 164 months…maliban po sa pension meron pa po bang makukuha…thnks po god bless
gud pm?pwede pa bang mag file ang isang taong namatay na pero hindi sya,nakapag retiro sa s.s.s.
gud pm?pwede pa bang magfile ang isang taong namatay na pero hindi sya,nakapagretiro sa s.s.s.ng 60yrs old.pwede bang magfile ng retirement claim benefit….ano po ba dapat gawin
Hi joey, ang makukuha ng kanyang mga primary beneficiaries (wife or husband and children below 21 years old) ay monthly pension and 13th-month pension for each qualified beneficiary, at funeral benefit na 20k. These are the requirements: https://www.sss.gov.ph/sss/index2.jsp?secid=79&cat=4&pg=null
hi nors
naghulog na ko for this month of august.salamat sa huling advice mo,tanong ko lng ulet paano ko malalaman na posted na ung hinulog kong last contri? at paano ko malalaman na pwde na ko magfile for loan? pasensya na dami kong tanong.. may God bless u Nors..
salamat po
Hi jedd, if you like, mag-enroll ka sa SSS online para ma-inquire mo online kung na-post na yong contribution mo. You need your SSS no. and the SSS no of your employer. Check mo yong password instructions (kung ilang characters), kasi may nag-comment dito na nirereject yong enrolment niya. Hope you can share here kung naka-enrol ka na.
Thank you for making this awesome post! This helped a lot for our class project.
Hi Ciara, wow, I’m glad that it helped. Great encouragement for me. And thanks for posting your comments…
hi ulet nors
tnx malaking 2long yung advice mo nakapagfile na ko ng loan, tanong ko lang anu bang hotline ng sss para maupdate update yung application ko? salamat ng marami nors
Hi jedd, tingnan mo Tex SSS instructions dito:
http://www.sss.gov.ph/sss/uploaded_images/publications/FAQS_TextSSS2011.pdf
Yong sa online SSS sana, kung maka-enroll ka, mache-check mo ron. Bakit ayaw mong mag-enroll? Makita mo pa records mo.
hi nors
alm mo ba sss tel #? gs2 ko lang itanong kung napadala na ung cheke ko.. salamat
check ko lamng po, am 60 yrs. of age…pwede na po ba ako sa sss…monthly pension? sabi po kasi sa sss branch…bicutan…dpa daw ako qualified…ibig ko po malaman—since 1974 pa po ako sss member…..thanks.
nagtry po ako na magpamember sa sss Angeles pampanga,for self employment bkit po ang daming tanong.wla po me work.but may asawa me foreigner,san daw me kukuha ng panghuhulog ko.retired navy asawa ko hindi naman siguro nla problema kung may panghulog ako o wala hindi nman sila ang maghuhulog non.hindi me lng maintindihan kung bkit,complete nman reqirements ko.
Hi Ruth, dapat tinuruan ka nila kung paano magmember. Pinagmember ka ba nila? Meron ka na bang SSS number? Kung wala pa, yon ang unahin mo. Bring your birth certificate (orig and xerox), fill up the SSS Form E-1, submit, at bibigyan ka nila ng SSS number. Isusulat nila sa form. Pag meron ka nang SSS number, hingi ka ng Form RS-1. Ito ay para sa self-employed. Sabihin mong assistant ka ng asawa mo, o beauty consultant, o network marketer, etc. Sa form, isulat mo ang yearly earnings mo at monthly earnings mo. Mamili ka dito https://www.sss.gov.ph/sss/index2.jsp?secid=111&cat=2&pg=null Kung gusto mong magbayad sa SSS ng 104 a month, ilagay mo 1,200 sa monthly at 14,400 sa yearly. Puedeng mas mataas, tingnan mo itong chart na ito.
Kung gusto mo, another option is magmember ka as Nonworking Spouse. Hingi ka ng NW-1 form, fill-up mo at papirmahan mo sa husband mo, and bring your marriage cert (orig and xerox).
Good am,po!
Gusto ko lang pong itanong kung ako ba ay makapagclaim ng sss maternity benefit kahit five months lang ang contribution ko last 2000.kahit ten years na ang nakalipas ngunit member pa rin po ako at nanganak ako noong 2004 pa.Makukuha ko po ba??please reply.
hello po.tanong ko po sana makakuha po ba ako ng maternity benefit kahit 5 months lng ang contribution at last 2000.until now wala pa akong nacontribute.nanganak po ako last 2004 pa??please reply.email add ko po ay:may_rose0879@yahoo.com.Sana may response na bukas kasi pupunta po kami sa sss sa lunes at sana handa na ang mga dadalhin ko na papeles..Thanks
Hi Rebecca, sad to say, ang alam ko, wala kang makukuhang maternity benefit, kasi nanganak ka 2004 eh ang huli mong bayad ay 2000 pa. Ang requirement ng SSS ay meron kang 3 months na contribution noong 2004 o 2003 o 2002 (within the 12-month period bago yong semester ng childbirth).
Itanong ko lang po. Namatay po ang tiyo ko at nakita ko sa record nya na 6 buwan lang po ang hulog nya na nagkakahalaga ng 1,900.00 Makakakuha po ba sya ng Burial at mag kano po ba kung sakaling meron?
Siya po ay biyodo na, pero may kinakasama po siya at nag karron po ng dalawang anak mga nasa elementarya pa nga po. Yun bababeng kinasama nya ay kasal po sa ibang lalake at ngayon po at iniwanan ang tiyo ko at nag asawa ng iba at nagkaanak na din dun. Tanong ko lang po may makukuha po bang kunting tulong ang 2 anak na naiwan nya sa SSS?
Nakakuha po pala sya ng partial dissability na 5,000 nun isang taon po.
Ganda po ng topic nyo dito and I hope matulungan nyo akong malinawan ang mga bagay bagay tungkol sa SSS. Six years na akong OFW at continuously naghuhulog ako ng SSS premium, 19yrs na akong miyembro at most of this contributions ay maximum. Some of my concern is patuloy din ba sa paglaki ang magiging pension ko by the time na magretiro ako? may maximum monthly pension ba na allowed lang matanggap ang isang pensioner? Kung magstop ako ng premium payment upon reaching 360mos ano ang epekto nito sa recievables ko? At how much would be the estimated monthly pension ko for that 360mos premium at maximum level.
Thanks.
Hi Lea, yes, you can get 20k in burial/funeral assistance from SSS, kahit konting months lang ang contribution. Requirements: Claim form for Funeral Benefit (SSS Form BPN-103), Death certificate duly certified by the local Civil Registrar, Receipt of payment issued by the funeral parlor, Affidavit of funeral expenses, Photo of filer and valid IDs, Report of Death (if cause of death is work-connected). Ang mag-file ng claim, yong gumasto o yong nakapirma sa mga funeral receipts.
For death benefit, merong makuha yong mga anak na lump sum, hindi pension, kasi konting months lang. Walang makuha yong kinasama kasi hindi naman kasal. Requirements: Death claim application (SSS DDR-1), Filers affidavit, DDR Savings Account Form, Report of Death (if cause of death is work-connected), SSS Form CLD 13 (Joint affidavit, if claimant is a legal heir), Photo of filer and valid IDs, birth certificates of minor children certified by the Local Civil Registrar. Baka kelangan din ang certificate of non-marriage, kasi tatanungin nasaan ang ina ng mga bata.
Hi Ardyn, mabilisan itong computation ko, so kung meron man akong ma-miss, paki-question/clear na lang uli. Your pension would be kung ano ang higher sa result ng computations ng dalawang ito:
1. 40 percent of the average monthly salary credit (AMSC)
2. 300 pesos
plus 20 percent of the average monthly salary credit
plus 2 percent of the average monthly salary credit for each credited year of service in
excess of 10 years
Halimbawa gawin natin na ang AMSC mo is 14,000 (ang current maximum sa SSS chart is 15k).
First computation: 40% times 14,000 = 5,600 pesos
2nd comp: 300 pesos + 2800 (20% of 14,000) + 5600 (2% of 14,000 x 20 years (sabi mo gawin mong 30 years). Total is 8,700.
So, ang pension mo is 8,700 kasi mas mataas ito kesa 5600.
Ang hindi ko sure kung paano nila ide-decide yong average monthly salary credit — kung yong definition ng average which is add all the monthly salary credits and then divide it by 360 months. Or yong most recent na highest AMSCs, katulad nang sinasabi ng iba.
Thank you very much po sa reply. Tumawag po ako sa SSS kasi 5 days na after mag file ng funeral ang mama ko ang sabi for verification pa kasi naka anim na hulog lang ang tiyo ko. Gusto lang nilang makatiyak na sa tiyo ko talaga yun mga contributions.. sabi ko nga po nakakuha na nga ng partial dissability ang ang tiyo ko. Tiningnan ko din thru online and and status po rejected/denied.. tinawagan ko nga po sa for verification.. kinabahan ako kasi pinangutang ko lang pinanglibing ng tiyo ko.. may pag asa po kayo maka claim dun kasi yun pinangako ko sa inutangan ko.
Hi Lea, hindi nila puedeng i-deny ang funeral benefit, kasi doon sa rules nila, walang patakaran na dapat ganito ang bilang ng hulog at kung kailan. Kahit nga isa lang, puede na dapat. Ilapit niyo sa politiko kapag ideny nila, basta nakabayad talaga ang tiyo nio sa SSS. Meron ba kayong receipts o paper patunay na nagbayad ang tiyo nio ng contributions?
Ang contributions po kasi ng tiyo ko ay galing sa agency at nun 1999 pa po yun. Ang sa akin po eh paano po siya makakakuha ng partial dissability kung di nila na verfy na may contributions nga ang tiyo ko. Just in case po mag ka problem sino po ba dapat namin lapitan dun sa SSS? worried na po kasi ako kasi nag loan po ako para lang mailibing ang tiyo ko. Hintayin ko po this week kung ano feedback nila. thaks you very much po . buti na lang may ganitong forum. God bless po!
Hi lea, we hope di na kayo kelangang lumapit pa sa kung kanino. Kung ma-verify talaga na SSS member ang tiyo mo, mabibigay ang funeral benefit claim nio. Kung ma-reject, tanungin nio kung bakit, dapat maliwanag ang explanasion nila. Maganda kung meron kayong papers na hawak, sana makakita kayo ng receipt. Sabi mo nakatanggap ng disability benefit. Meron ba kayong proof nito?
Hi.im revy….magtanung lang po ako…kasi ngwork po ako nung july to oct.2009 ,my kinakaltas po na sss samin…un nga lang di ko na po matandaan kung magkanu ung nahuhulog sa sss ko monthly… Panu po un malalaman ..ksi gusto ko po sana mag voluntary contribution…
Thanks God… Na process na Funeral ng uncle ko..
Thanks sa forum na to.. Maraming natulungan to kaya dapat share natin ang site nato.
God bless po!
Hi Lea, so happy for you na nakuha nio rin ang benefit na inaantay nio. Kudos din to you for helping your uncle’s kids.
Hi revy, ginagawa ko pa lang yong table of contributions, para minsanan na lang ang pag-post ko. Email kita pag tapos na
hello po ask ko lang po kung kung pwede pa ba akong mkakuha ng sss mternity benifits nanganak po kc ako nong june 2004 pero naka hulog po ako sa sss ng contribution ko ng aug.2003 hanggang dec.2003. pwede ko pa bang i apply yon sa sss? thanks po.
ask ko lang po ulit kung mag kano po ba ang monthly contribution ko?ang monthly salary credit ko po kc ay nasa 6,500 nong last na hulog ko.thanks po ulit.
Hi Ruby, sori palagay ko hindi na puede, kasi isa sa requirements ay yong SSS notification (notify the SSS that you’re pregnant) na dapat nai-submit sa SSS before delivery.
thanks po sa pag reply.gusto ko po sana ulit hulugan yong sss contribution ko kaya lng po d ko alam kung magkano ihuhulog ko.ang nklagay po kc sa monthly salary credit ko e 6,500.magkano po ba ang equevalent non na magiging contribution ko?
Hi Ruby, kapag voluntary, babayaran mo ang hulog ng employee at yong dapat hulog ng employer. For 6,500 salary credit, 676 ang monthly contribution (459.30 employer, 216.70 employee), for 5,000, contribution ay 520 (353.30 employer, 166.70 employee). For 4,500, contribution ay 468 (318 employer, 150 employee).
Hi Nors,
Sorry now lang ulit nkapagcomment dito..still remember me po? ako yung nag-inquire before about sa maternity reimbursement kc delivery month ko sa december na..ako yung nag-asked kung qualified ako khit til January 2011 yung last na hulog ng employer ko. Nakapag-inquire na po ako sa SSS Branch samin at qualified nman po ako kaso problema ko yung sa change ng status..married na kasi ako now nung last september lang tska pinapalit ko na surname ko para mkapagawa na ng I.D sa required daw un pag ikeclaim naung reimbursement kaso sbi ng mga kakilala ko matagal daw ung pagchange ng status, change ng location, etc..anyway ok lang atleast nkapag-advice nko sa SSS..thanks po!
ask ko lang po kung entitled po ba ako sa maternity claim bale po my 18 months na contribution na ako at voluntary member po ako kc nsa bahay lng ako. tnx
Hi Laine, oo puede kang mag-claim basta ituloy mo lang magbayad ng monthly premium. Kelan ba ang due mo? Bago ka manganak, kelangang mag-submit ka ng maternity notification sa SSS branch kung saan ka later on magsa-submit ng claim. May semester of contingency na tinatawag. Example December ka manganak, ang semester of contingency mo ay July 2011 to Dec 2011, so dapat meron kang nabayaran na 3 months within the 12-month period bago July 2011.
hi ask ko lang po kasi OFW po ako dahil po sa pauwi ako ng pilipinas noong july 24,2011 inadvice nila na dito sa pilipinas nako magpamember ng SSS, eh umuwi po ako dahil buntis po ako, nakapagpamember po ako kahapon lang sa local branch Oct. 28,2011 eh ask ko lang po makakakuha po ba ako ng maternity benefit due ko na po sa nov.4, 2011, kahit po magbayad pa ako ng one year?possible po ba na magbayad me for 1 year para makaavail ako ng benifit? thank u po….
Hi Jenny, sori hindi mo pa puedeng magamit ang SSS maternity benefit. Ang rule kasi ay meron ka dapat 3 monthly payments within the 12-month period prior to the semester of delivery. Ang semester of delivery mo ay July to Dec 2011. So ang 12-month period mo ay July 2010 to June 2011. Dapat meron kang 3 months of payment within sa 12-month period na yan. Hindi rin puede ang retroactive payment — yong pagbayad ng nakalipas nang months (except lang yong previous one month — up to the 10th of following month ang deadline ng payment, 15th na yata ngayon)
Hello Nita M Castillo, sent you email.
hi Nors,
Thank you sa pagsagot sa tanong ko.June 12, 2012 daw po ang aking due date sabi ang aking ob. Opo, tuloy – tuloy ang aking hulog monthly.
Ask ko lang po bakit sa record ko wala akong RS1 ano po ba ang ibig sabihin ng rs1 . Nalaman ko lanf ng kumuha ako ng bagong sss id . Wala daw akong rs1 record kaya d ako na ka pag id. Ano po ang gagawin ko sir ? Maraming salamat po. God bless.
Hi Desiree, ang RS-1 ay record for self-employed. Self-employed ka ngayon? Go to this page. Look for RS-1. View or Download. https://sites.google.com/site/philippinesgovph/SSS You can download this form or get it from SSS, fill it out and submit it together with the required docs na nakasulat sa form.
hi poh sir ask k lng kng pno computation ng sss loan may 35 nkng hulog last kng hulog eh jan to march..kng mg huhulog poh k ng april to nov kyln po k pwde n mg loan…tnxs
Hi Joy, at least 36 monthly contributions ang kelangan, at active member. Hindi ko sure kung anong past month ang puede mo pang bayaran kasi walang retroactive payment sa SSS. Puede pa siguro ang for October, and surely puede ang Nov and Dec. Magbayad ka na asap. Kung tatanggapin ang October payment, ma-post siguro ang bayad mo by Dec, so by Jan, puede ka na mag-file ng loan. Kung hindi mabayaran ang Oct, sa May 2012 ka pa puede. SSS rule: must have paid 6 months within the prior 12-month period. Pero bilangin mo rin, baka mali ako, madaling-araw na.
Joy: Pag quarterly payment yata pala, puedeng-puede pa ang 4th quarter, so mabayaran mo pa ang Oct to Dec.
Hi! Gud pm..ask ko lng po kung kelan b mkrcv ng pension s SSS?hanggang kelan po need na mghulog ng contribution before tumigil po?tnx!
Hi Magie, puede nang mag-pension at age 60. Pero meron lang pension kapag nakapaghulog ka ng 120 monthly contributions (10 years). Pag less than, lump sum lang. Kapag employee, habang employee ka, merong bawas na SSS kasi compulsory. Mas okay na maka-contribute ka ng at least 120 months para merong pension.
Tnx po s reply! Ask ko lng po uli kc ngwork n ko s isang company from year 2000-2008 then tumigil ako at tinuloy ko uli..ngpunta ko sa isang branch ng SSS last tym pr iverify ung contribution ko,then nkka 97 months n dw po ako n conttibution which is almost 8 years po. Now po e 33 yrs. Old n ko,ibig svhin po b n pg nka 10 years n ko e pde n ko tumigil maghulog at mkkreceive ako pension pg 60 yrs. old n ko o ittuloy ko p din pghhulog po after 10 years ko po?
1996 to 1998 na ako nakapaghulog.pero natigil noong din 1998.pwede ko pa bang ituloy yung paghuhulog ko.
Oo, Magie, good na ituloy mo ang contributions mo until you accumulate at least 120 months. After that, ikaw kung gusto mo pa, may 3 computations of pension ang SSS dito http://www.workingpinoy.com/2011/02/continuing-sss-membership-contributions-for-overseas-filipinos/
yong highest dito sa 3 na ito, yon ang pension mo. May advantage yong nakaipon ng 20 years. Pero kung mataas naman yong premiums mo sa 10 years, okay na rin. Check mo yong computations.
Hi Edgar, oo ituloy mo para makaipon ka ng 10 years para merong pension at age 60. Tingnan mo yong RS-5 form dito https://sites.google.com/site/philippinesgovph/SSS at yong SSS Contributions Table. Puedeng 104 pesos or 156 or 208 or 260 a month, puedeng higher pa. Kung monthly ka, you pay not later than 10th day of following month. Halimbawa ngayon, ang puede mong bayaran until Dec 10 is for November. Puede na ring sabay ng Dec. Kung quarterly, puede pang this quarter Oct Nov Dec. example 104 x 3 = 312
good day! ask ko lang po kung puede mag bayad ng mga na skip kong payment since 2004 at 2010 contribution. Nais ko po kasi mapunan ang mga kulang ko. Pero sa ngayon bayad na ang 2011-2012. Nais po kasi ako noon dahil nakapag 39 months na ako nag hulog hindi man lang ako nabigyan ng pagkakataon na mag maternity loan, e nawalan po ako ng hanapbuhay ng araw na ako ay nag apply for maternity. Na CS ako at pinangutang ko pa ang pambayad ko. Sa ngayon nais ko ituloy for the sake of my kids and I would like to know if I can avail to apply a housing home finance dahil meroon po ako bahay sa Dasmarinas Cavite 150 sq meter. My monthly contribution is P520.00 this year. Voluntary Member lang ako. kahit narito ako sa ibang bansa.
as well puede po ba na mag advance ako ng mga taon na nais ko hulugan, like now ang hinulugan ko ay 2011 at 2012 sa SSS. Pag -ibig 2011-2013 P200 naman ang monthly ko po, sa Philhealth naman nag hulog na rin ako ng whole yr for 2011 kasi wala pa po iyong Philhealth number ko. once na lumabas ang philhealth ID ko, maghuhulog na rin ako ng advance, so wala na ako iintindihan na pagkatapos ng taon panibagong hulog naman.
Hello! pls. answer my question. Ever since ay voluntary member ako, I stopped my monthly contribution the time SSS rejected my Maternity loan. Bcos I had six months skip payment.Dahil ang pagkakaalam ko po ay benefits ng isang SSS MEMBERS ang mag claim nito. Ngayon taon ay nagbayad ako for the whole yr of 2011 up to 2012. Dati ang monthly contribution ko lang ay P218.00 Now is P520.00 My question is can I still pay my yrs skip payments. Para mabuo ko ang 120 months. Dahil habang nagkakaedad ang isang tao, lumiliit ang chance na makapaghanapbuhay. I am thinking for the future of my kids this is the only way I can give them.
Hi Evelyn, mahaba kasi OT ko, so less time to blog. Sorry, ang alam ko, walang retroactive payments ang SSS at Philhealth, pero puede lahat magbayad ng advance. Ang Pag-ibig, meron dati yong puedeng punuan yong kulang sa 24 monthly payments na kelangan sa Pag-ibig housing loan — di ko sure kung puede pa na ganon ngayon.
Sa SSS pa nga, ang deadline of payment is the 10th day of the following month.
Pag housing loan, ang alam ko, Pag-ibig ang open ngayon, suspended yata muna ang SSS housing loan program.
Yong sa maternity benefit, merong rule kasi doon na nakapagbayad ka ng 3 monthly payments prior to the semester of delivery, at dapat active member at the time of delivery.
Merong Modified Pag-ibig II program na puedeng mag-ipon ka don at mas malaki ang interest kesa time deposit. 6 percent a year, puede kang mag-umpisa sa 500 a month, tapos dagdagan mo. 5 years ang maturity. Renewable after 5 years kung di mo pa kunin. Pero dapat member ka ng mandatory Pag-ibig bago maka-member ka sa Pag-ibig II.
thanks po. Pero paano po ako makakapag member sa Pag ibig II?
Hi Evelyn, ito nagsulat na ako ng article about Pag-ibig II. http://www.workingpinoy.com/2011/12/saving-money-modified-pag-ibig-ii-higher-earnings/ Puede kang mag-enroll online sa Pag-big website. Or punta ka sa branch dito sa Phil, or sa Philippine consulate in your location.
ask ko lng po..nag pa id ako uli kasi nawala ung una..mag iisang taon na wala pa din..padadala pa ba un?
Hi Greysz, sinuspend kasi ang issuance ng ID dahil sa unified ID proposal. Sabi sa news earlier this year na itutuloy this year yong Unified Multi-purpose ID (UMID) proposal together with the GSIS, Philhealth and Post Office. Not sure kung on-going na. Wala pa namang announcement sa SSS website, pero baka meron na, at di ko lang makita. Pag ganon, baka you need to re-apply kasi ibang photo capturing machine yata ang gagamitin. Let’s ask na lang pag makadaan tayo sa Post Office o sa SSS.
hi! I saw this blog while searching on how to change my SSS contribution. I used to work before but I opted to be a full time housewife. gusto ko sana mahulugan yung SSS ko ulit. active member yung husband ko. Dun ba ko sa Non-working spouse or sa voluntary? I’m not self employed kasi dito lang talaga ko sa bahay. please help!
Hi Aileen, yes, good na ma-continue mo SSS mo para makaipon ka ng 10 years to qualify for pension. Voluntary ka as separated member (hindi non-working spouse) kasi member ka na dati. Kuha ka lang ng RS-5 form, i-fill-out mo at magbayad ka sa SSS or bank on or before 10th day of following month. Kung quarterly gusto mo, puede pa bayaran this Oct-Dec quarter. Kung monthly, December ang puede mong bayaran this week until Jan 10. Mamili ka na lang sa 104 pesos, 156,208,260,312,364,416,468,520, or higher pa. I-decide mo kasi hindi puedeng pataas pababa nang madalas at malaki ang agwat ng change. Best regards.
ask lang po kasi pumunta ako dito sa calamba parian SSS at gusto ko sana mag pa member as self employed kc contractual employee ako hinahanapan pa ako ng business permit kasi kailangan daw meron akong pinagkakakitaan aside sa paging contractual para maging member. natatakot ba sila na hindi magampanan ang pagbayad kaya kailangan meron kapang ipakita na income bukod sa work mo. kailangan ko pa cguro magtayo ng sari sari store lol! self employed ba at voluntary magkaiba. baka sa voluntary ako pwde meron bang ganun.
Hi Kurt, bakit ganon sila? Contractual worker ka naman eh. Meron ka na bang SSS number? Kung wala pa, kuha ka muna na SSS number. Dalhin mo lang ang birth certificate and fill up SSS Form E-1 (Personal Record) para makakuha ka ng number. Pag meron na, request ka ng SSS Form RS-1 (Self-Employed Data Record) at i-fill-up mo, submit with xerox copy of your birth certificate. Sabihin mo meron kang pambayad ng 104 pesos buwan-buwan. 104 ang minimum monthly contribution — ito ay para sa salary credit na 1,000. Next is 156, para sa salary credit na 1,500. Sabi ng SSS website, puede ang farmer, fisherman, cigarette vendor, watch-your-car boy, wala naman sinabi na magpakita ng business permit. Sinabi lang na dapat merong monthly income na at least 1k at not older than 60. Matuwa nga dapat sila na nagpunta ka. Basahin mo yong membership sa SSS website, para sa susunod na pumunta ka, marami kang maisagot at maitanong. Kelangan siguro meron kang lapitan diyan — para matulungan ka. Later, if I have time, I’ll write about this problem, kasi 3 na yata yong nagsulat ng ganito, na pahirapan sa self-employed.
kaya nga nagtataka ako bakit kailangan pa hanapan ng ganun kung kaya nman hulugan ng isang tao ang ganung halaga,kahit walang ibang hanapbuhay.. meron na akong sss number pero nakaka disappoint talaga. sa case ko daw wala daw pag asa ang ganun.. 7k ang monthly ko kaya pasok naman sa 1k minimum cguro kahit tambay nga kaya mag ipon ng 156 monthly para lng meron ibayad sa isang buwan. salamat bro if matulungan mo kami ng ganito ang problema. God bless you..
good afternoon po, ask ko lang po sana kung pede nba akong magloan kahit dpa dumadating ang sss id ko last month lng po kc ako nagpa id, ska 58 months plang po ang contributions ko kso ang huling hulog p po nun ay 2009 pa nung nagwowork pko s company nmin, ngaun po wala akong work pro kya kong mgself employed sna po msagot nyo agd yung question ko, or kung pede po isend nyo po s email ko pra sure po n mbasa ko agd, tnx po.
Hi Jhun, ang alam ko puedeng mag-file ng salary loan kahit wala pang SSS ID, kasi hindi pa naman nila nabigyan ng digital SSS ID ang lahat ng members. Basta you have a valid ID to claim the check. Hindi ka pa puedeng mag-loan kasi tumigil ka sa pagbayad ng contribution. Mag-member ka uli as Voluntary, hindi self-employed. Voluntary — yong member na dati. After makabayad ka ng six monthly contributions at narecord na ng SSS sa database nila, puede ka nang mag-file ng loan. Kung gusto mo, buuin mo yong 72 months para 2-month loan. Pag 32 months but less than 72, one-month loan lang, mas lower loan amount. Ito yong chart ng contributions
https://sites.google.com/site/informationphilippines/sss/sss-contribution-schedule
Mamili ka from 104, 156, 208, sa pinaka-kanan na column. Punta ka sa SSS, hingi ka ng RS-5 form, fill-up mo at magbayad ka sa branch or sa bank. Ang alam ko puede pang bayaran ang last quarter ng 2011, 3 months yan. Kung isang month lang, December 2011 ang puede mong bayaran. Hindi puedeng bayaran ang maraming months na nakaraan na.
Ganito ang RS-5 form.
https://sites.google.com/site/informationphilippines/sss/contributions-payment-return
hello poh gs2 q lng poh itan0ng,paan0 poh pag nkakuha na ng sss no.pero nd q poh nahulugan.panu poh un mahuhulugan,,tnx poh m0re p0wers.
Hi Michelle, pag hindi ka pa employed, puede kang Self-Employed. Punta ka sa SSS, and fill up this form. Bring your birth certificate, or baptismal cert.
https://sites.google.com/site/informationphilippines/sss/self-employed-data-record—-rs-1
Check mo dito ang premiums na depende sa monthly income mo at gusto mong premium.
https://sites.google.com/site/informationphilippines/sss/sss-contribution-schedule
pUEDE KO PO BANG MALAMAN UNG id# KO SA ONLINE. D KO NA KC MAALALA.
Hi Leticia, you need to go to an SSS branch to know your SSS#. Bring at least 2 IDs. Pag meron ka pang kilala sa former employer mo, baka may record pa sila, puede mo ring tanungin. On the SSS website, you need your SSS number to be able to enroll and use SSS online inquiry.
hi ask ko lng kung ok mag self employed ako sa sss ngayon kahit may current work ako, ksi meron n ako ako number pero never pa ako nkapag hulog kasi di ko tlga tlaga alam gagawin. im preggy n kasi eh then yung company ko di pa ako naumpisahang hulugan ng sss. reply asap. thanks po.
tsaka ano sasabihin ko.. nag aaral din ako pero mag stop na ako.
Hi diosy, yong ibang employees ng company nio nahuhulugan? meaning member na sa SSS ang company nio? Maganda sana kung employee member ka kasi mas ok ang benefits. Kung sa palagay mo ay matagal pa thru your employer, puede ring Self-employed. Ito yong form ng Self-employed.
https://docs.google.com/viewer?a=v&pid=sites&srcid=ZGVmYXVsdGRvbWFpbnxpbmZvcm1hdGlvbnBoaWxpcHBpbmVzfGd4OmUyYjJhNDBkNWZmYjUwMw Ito yong Schedule ng contributions, nasa kaliwa ang salary range, nasa kanan ang premium. By the way, hinuhulugan ang Philhealth nio?
yap sss, tax, pag ibig, at philhealth ang hinuhulugan.ang nkakatawa pa nito ako ung nag papareceive sa mga sss, pag ibig at philhealth ako tong hndi kasali! sana this january mahulugan nrin yung s mga benefits ko pra mkahabol ako sa sss for maternity allowances.. at para di na ako mag self employed.
nov. nila ako niregular, this january ako huhulugan.. mali yun db?
Hi diosy, good to know that most likely pala ay maging Employed Member ka na this January. Kelan ka ba due? Ang requirement sa SSS ay you have made at least 3 monthly payments within the 12-month period prior to the semester of delivery.
Sana kahit noong hindi ka pa regular, meron ka nang SSS, ganon dati yong pinasukan ko.
good day! nagtrabaho po ako sa isang private company Year 2000… bale 24months po ang aking total number of contributions sa SSS… year 2003 naman ng mag umpisa ako magtrabaho sa gobyerno kya sa gsis nman ako naghuhulog… matagal ko na po plano ituloy ang paghuhulog sa SSS, nanghihinayang din po kc ako sa 24months na naihulog kuna… kailanagn ko pa po ba pumunta ng SSS office to inform them na itutuloy ko yun paghuhulog ng monthly contributions (from employed to Voluntary) o basta maghulog na lang ako ng gusto ko premium? thnaks and more power! God bless…
Hi Gene, yes, for voluntary, puedeng ituloy mo na lang without applying pa sa SSS, yon ang nakalagay sa website ng SSS.
Here’s the form:
https://sites.google.com/site/informationphilippines/sss/contributions-payment-return
Here’s where you see the premiums:
https://sites.google.com/site/informationphilippines/sss/sss-contribution-schedule
Ang deadline of payment merong change na based on last digit of SSS no.
Merong ka bang Pag-ibig 2? Kung wala pa, I suggest i-consider mo rin ang Pag-ibig 2 kasi 5% or more a year din ang dividends.
on July po ang due date ko.
ay naku kung alam ko nga lang na kahit di ako regular eh pede n ako mag hulog as self employed. mlamang nkapag umpisa n ako, hndi pa kasi mlawak isip ko noon unlike ngayon.. katulad nito mrunong na ako mag tanong thru internet, sobra kasi mahiyain ko. thanks sa mga ganitong blog or site! ipag patuloy mo ito. More Power! Godbless you!
Hi, diosy, glad to know na you’re learning very fast. Ang semester of delivery mo is April to Sept. so dapat talaga mabayaran mo itong Jan Feb Mar. Also, kung hindi mo pa nabasa, keep your prenatal ORs at least 1.5k for Philhealth reimbursement kung normal delivery. Thanks and God bless you too!
Hi Nors puede bang iupdate ang beneficiaries? gusto ko tanggalin yung step dad ko eh, salamat
Hi Mark, oo, merong E-4 — Member’s Data Amendment Form
hello po….buti na lang po at may ganito,,makakapagtanung n din ako,,dati na po kasi akong may sss nahuhuligan po sya dati nung may work pa po ako,,ngayon po may 2years na kong hindi nakakapaghulog,plano ko rin magvoluntary na lang,,ask ko lang po gusto ko sana makakuha na rin ng id kasi til now yun e1 lang hawak ko,,may asawa na po ako nun nag apply ako sss nun,,saka panu ko po malaman kun ilang months na yung nahulog ko nun,,panu po kaya?
ay saka po pala hindi ko pa nagamit yun sss ko nun kahit minsan,,yung sa asawa ko lang po yung nagagamit nung nanganak po ako,,nakapagloan na din po sya dati…may 8 years na po yung naihulog nya nagstop lang ng hulog nun nagresign po sya sa work,ask ko lang po sana kun mabuo nya na yung kulang na months para maging 120 makakakuha na po ba sya ng pension???gusto po ksi namin mag voluntary na lang,,,
anu poh ba dapat q gawin? kasi poh matagal na q nagapply ng e1 sa sss kaya lang di q pa nahulugan…kailan q poh ba pde hulugan un? en panu poh maghulog pag sa bayad center aq pupunta? tnx.
Hi Juan, magfill-up ka ng RS-1 form, ito yon… https://sites.google.com/site/informationphilippines/sss/self-employed-data-record—-rs-1 at isubmit mo sa SSS. Kung 104 pesos ang gusto mong monthly contribution, isulat mo sa Yearly Net Earnings 12,000 at Monthly Net Earnings 1,000. Kung gusto mo 156 pesos, ang yearly mo ay 18,000 at monthly ay 1,500. Hingi ka na rin ng RS-5 form sa SSS para ito ang gamitin mo sa pagbabayad. Tanungin mo na lang ang bayad center kung meron silang RS-5 for SSS payment sa kanila.
good pm..ask ko sana kung ano difference ng voluntary membership sa self-employed..thanks a lot..
Hi Carla, ang Voluntary Member ay Employed member dati, and then nag-resign at hindi na nag-work sa company. Kasama dito ang mga OFWs na employees dati at wives na employees dati. Ang Self-employed, yong mga hindi nag-work kahit kelan for a company or never na naging Employee — puedeng doctor, beautician, real estate agent, artista, farmer, carpenter, businessperson, etc. Thanks for the question — dapat isama ko ito sa article.
ask ko lang po,kung anung company ako na bigyan ng sss,kasi po nag aply ako sa sss last year,na verify po ng sss tarlac na my roon na ako sss number,e diko po ma alala kung paano ako nag ka sss.at naka ilang hulog na po kaya ako? salamat po….:)
tanung ko lang po kung my makukuha ang mga pamangkin ko sa namatay nilang ama,pero second family lang sila.nakamatayan po kasi na di na submit ang birthcertficate ng pamangkin ko.pero pirmado po ang ama sa birth certificate.
tanung lang po kung papano mag pa change status,ano po ba ang mga kakailanganin ko na requarments,salamat po
Hi Gina, SSS member ang father? Under 21 years ang age nila? Ang pagkaalam ko, yes, puede silang mag-pension kahit illegitimate sila. Ipa-late registration ninyo sa civil registrar ninyo, para later on makakuha kayo ng copy sa NSO, para maisama sa SSS claim. Nakapag-claim na ba yong first family? Hindi ko sure kung anong gagawin kapag na-submit na yong claim. Punta na lang kayo sa nearest SSS to ask para sigurado.
Hi Gina, nag-work ka na ba before? Hindi ka nag-apply for an SSS number? Walang boss na kumuha ng number para sa iyo? Hindi kaya kapangalan mo lang yong merong SSS number? Sana matanong mo sa SSS Tarlac yong SSS number na sinasabi nila — parehong middle name, parehong birthday? birthplace? address, beneficiaries, etc.
Hi Ferdinand, punta ka lang sa SSS, fill up E-4 Member’s Data Amendment Form. Bring your IDs and a copy of your marriage certificate.
hello po ask ko lang po,memeber po ng g.s.i.s ang bilas ko nakamatayan po na hindi na ipasok ang b’certificate ng dalawang pamangkin ko.my makukuha po kaya sila e secind family lang sila? salamat po sa reply
Hi Ferdinand, I looked at GSIS benefits sa website nila, and I read na kasama sa cash or pension benefits ang illegitimate minor children, pero up to 5 children lang. Hindi rin nakalagay ang exact age ng minor; sa SSS below 21 years old. Punta na lang kayo sa GSIS to ask kung paano mag-file ng claim as a guardian of illegitimate children.
ate nors
gusto ko po sana malaman yung contribution ng asawa ko kaso pag register ko xa online mali daw employer sss ID nya nakuha po ng asawa ko yung Employer ID n yun.. eh yun po naka lagay sa Agency nila.. wala po ba pweding alternative ways para malaman ko yun.. wala po kasi ako time pumila sa SSS may work din po kasi ako…
maraming salamat po..
ate nors
question p po dumating npo yung SSS ID ko na bago pero wala po yung Parang ATM pin #.. lahat po ba may ATM pin # yung bagong SSS ID o pili lng po..
gusto ko po sana malaman yung contribution ng asawa ko kaso pag register ko xa online mali daw employer sss ID nya nakuha po ng asawa ko yung Employer ID n yun.. eh yun po naka lagay sa Agency nila.. wala po ba pweding alternative ways para malaman ko yun.. wala po kasi ako time pumila sa SSS may work din po kasi ako…
ask ko lng po kung pwede b makapagcontribute s sss as self employed kahit wlang negosyo o sariling pinagkakakitaan? Pwede po b yun?
Hi Mark, sa Self-Employed application form kasi, merong part sa form na ilalagay mo ang profession at yearly net earnings and monthly net earnings mo. You also need a TIN. Mag-isip ka ng source of income para meron kang maisulat.
ask ko lang po magkano po ba ang pension kung naka 120 months kana.at ilang taon po ba ang pwedeng mag sss member kasi gusto ko po ikuha nanay ko.salamat po
Hi Marites, ang pension depende sa average salary credit and number of years credited. Ang minimum ngayon is 1,200. About the age, wala naman akong makitang age limit sa SSS website. Pero kung 60 years old na, baka hindi na, kasi retirement age na ito. Basta meron siyang source of income at meron kang mailagay na work at monthly and yearly income doon sa Self-Employed membership form.
ask ko lang po kung sang category ako dpat.voluntary ba o non working spouse kc ngwork ako dati and may naging hulog nrin ako sa sss and now plain housewife na lang ako.matagal ng hindi ako nghulog since ng asawa ako,about 14 years na.gusto ko sanang ituloy ung hulog ko.pls help,tnx!and one more thing,paano nman ung hulog ng asawa ko.currently kc nsa dubai sya ngaun and gusto ko rin sna ituloy hulog nya.pwede bang ako nrin mgtuloy ng hulog?what about ung binayaran nyang sss before sya umalis?pls pakiclarify,tnx again and god bless!
Hi Letlet, ang category mo ay Voluntary kasi meron ka nang SSS noon as employee. Ang non-working spouse ay never pang nagka-SSS. Yong husband mo can also continue his membership as OFW. Ito ang Contributions Payment Form Ito ang SSS Contributions chart kung saan mo titingnan yong gusto mong monthly payment — sa bandang kanan. Ang salary credit, sa bandang kaliwa. You can pay at SSS cashiers or accredited banks. Yong binayaran niya bago umalis, what months yon? Advance ba? Palipasin mo muna kung advance bago ka magbayad uli para sa kanya.
hi po… tanong ko lang po kc kakatapos lang ng contract ko netong jan. 6, 2012 nakaltasan pa po ako ng contribution kasi nakasweldo pa po ako nung jan. 15 gusto ko po sana ituloy yung aking paghulog as voluntary. kung magbabayad po ako netong feb. 10 para po ba yun sa month ng january? tnx po
hi po ulit… may isang tanong pa po ako yung tungkol po sa disability program ng sss. itatanong ko po sana kung pwede maipasok dun ang asawa ko. naoperahan po kasi sya nung 2010 at mula po nung naopera siya ay hindi na po siya nakapagtrabaho gawa ng sa likod po ang opera niya at sa ngayon po ay hindi sya makalakad ng maayos dahil konting lakad pa lang po niya manhid na po ang paa niya tpos po nakatagilid po ang katawan niya pwede po kaya siya maipasok dun.tnx po
hi po maam.. ask ko din po kung pwede ko po ba ituloy yung paghulog ko s philhealth kahit hindi na po ako nagwowork? paano po ba ang gagawin ko?tnx
may isang question pa po ako. kc yung byenan ko po meron po sya na-loan sa sss nagkapenalty na. wala pa po ba condonation program ang sss. kc po blak niya maghulog ulit sa sss. pwede po ba sya mag voluntary khit na may unpaid loan sya. tnx
Hi Ruby, oo, puedeng-puede ituloy. This is the SSS Contribution Payment form. Ito ang SSS Contributions chart, mamili ka kung magkano ang gusto mong monthly contribution at salary credit. Sa payment deadline, tama ka, yan ang dating rule. Ngayon, ang deadline na-extend para sa iba, depende sa last digit ng SSS no. mo, pero para sure, on or before 10th ka na lang.
Hi Ruby, oo, puedeng ituloy ang Philhealth. Magiging voluntary ka. Just go to any Philhealth branch with your ID and fill up a membership form to update your records and pay 1,200 for one year or 2,400 for 2 years, para ma-take advantage mo pa yong lower rate, kasi mag-i-increase na.
Hi, Ruby, merong SSS condonation program from April to Sep 2012. Dapat merong 3 monthly contributions paid within Oct 2011 to March 2012 and merong 3 monthly amortizations paid. Puedeng magvoluntary even with a loan. Punta lang sa any SSS branch and ask for RS-5. I-check niya yong chart kung anong gusto niyang monthly contribution and salary range.
Hi Ruby, oo puede siyang mag-claim ng disability kung SSS member siya before naospital in 2010. Kelangan ang medical certificate and hospital records. Visit an SSS branch at magtanong para mas accurate ang advice, kasi nag-iiba rin ang policy. Mag-voluntary member siya para ma-activate ang membership niya.
hi tanong ko po kung magkaiba po b un mareceive n claim,57y/o po tatay ko ng mamatay, may loan po sya n 10thousand,nkuha po namin ay burial na 20thousand, may makukuha pa po ba n death claim?
Hi Arc, oo, meron pa kayong makukuha na SSS benefits. Ihanda nio na claim papers nio, pero I suggest sa April 2012 nio na lang i-file ang claim ninyo para ma-condone yong penalty ng loan ng father nio para hindi mag-increase masyado yong loan na 10k. Kasi ibabawas yan sa total benefits. Meron kasing SSS loan condonation program na mag-start in April 2012. Yong mother ninyo at kung merong younger than 21 years old sa mga anak, merong pension kung nakacontribute ang father ninyo ng at least 3 years before the semester of your father’s death. Lump sum kung less than 3 years. Requirements: Death claim application (SSS DDR-1), Filers affidavit, DDR Savings Account Form
Passbook (for Pension), Report of Death (if cause of death is work-connected), SSS Form CLD 13, Photo of filer and valid IDs. Marriage certificate of father and birth certificates of minor children (duly certified by the Local Civil Registrar). Other papers that SSS might require.
Ipinaabyad po kc un ng nanay ko sa kakilala ng kumpare nya, s SSS San Pablo, ang dumating lng po na notice ay un kwenta ng pension na tatanggalin ang utang na 10K, ang start pa po ay April pero wala kame nakuha na death claim, 9 1/2 yrs. po naghulog an father q b4 his death, tapuz wala na dw death claim.
Nagtataka po kc ako sabi nun iba kahet dw ma yloan may mareceive pa dapat na death claim?
Hi Arc, nag-file na pala kayo ng pension benefit, kasi meron nang pension computation. Yon na yong sinasabi kong benefit. Dalawa lang ang klase ng death claim sa SSS: yong funeral na 20k at yong pension. Tatlo kung death due to accident sa workplace. Kung less than 3 years ang membership, walang pension, lump sum cash lang.
Pero dahil naka-9 1/2 yrs ang father mo, pension ang benefit. May pension ang mga children younger than 21 up to 5 children. Yong 10k na loan plus interest and penalty, siningil na sa inyo, imbes na kunin nio ang pension, ibayad sa loan, kaya sa April pa magsimula ang monthly pension nio. Yong sa iba, kaya merong nakukuha agad na malaking amount bago magpension, ay late nag-file ng claim kaya naipon yong pension, at saka wala silang loan.
Kung before December 2011 na-approve yong claim ninyo, meron kayo dapat 13th month pension. Ang 13th month, hindi siya isinasali sa bayaran ng loan. Best regards.
sabi po ng nanay ko, pano daw po kapag namatay agad sya mawawala na un pension, kakaunti daw po ang makukuha… tapos ang laki ng naihulog s sss ng tatay ko,…
Hi Nors, pueded ko ba malaman kung meron sss ang mother ko? di ko kasi alam? pano kaya? Thanks in advance
Hi, Arc, totoo yan, sad and unfair. Pero ganon talaga, kasi social insurance ang SSS. Pero I hope naman, malaki yong monthly pension ng mother mo compared to others. Maraming members na ang monthly pension ay 1,000 pesos lang.
Hi Mark, oo, punta ka sa SSS, bring your birth certificate para ipakita mo na meron kang right to ask SSS kung merong SSS ang iyong mother.
hello dear, just wanna ask again if after ako mahulugan ng 3months ng company n pinapasukan ko ngayon eh dun lng ako pedeng mag pasa nang tinatawag na MAT1? thanks and GOdbless.
Hi Diosy, kung qualified ka sa maternity benefit at meron nang “at least 60 days from the date of conception” puede nang i-file ang MAT1. This form can be submitted later on, but not later than the date of delivery. Puede ka sa SSS maternity benefit if you have paid at least three monthly contributions within the 12-month period immediately prior to your semester of childbirth.
bkit kung qualified? you mean may tendency n di ako maqualified for maternity benefit? gnun b? kasi iniintay ko n lng na mahulugan ako ng company ng atleast 3months then mag file n ako ng MAT1.
Hi diosy, baka qualified ka rin. Meron lang kasing tinatawag na semester of birth. Kelan ka due, para ma-check natin. Kelan yong mga SSS contributions mo last year and this year? O para sure, magtanong ka rin sa HR ninyo, alam nila ang mga SSS maternity benefit rules.
actually this year lang eh.. january, feb. and march. after nun balak ko na mag file. and to let you know 4months preggy na ako it means nasa 2nd semester of birth n ako. paano kaya ito? kasi maliit n company lng din pinapasukan ko. kaya yung mismong boss ko ang pede ko makausap.
ang due ko kasi is july 14.. yng ang computation ng ob-gyne.
Hi Diosy, kung July ang due mo, eligible ka.
Ang semester of birth mo (6-month-period) is April to Sep. Dahil magiging paid ang Jan to March mo, meron kang 3 months before semester of birth. Yes, tama ka, i-file mo na lang yong maternity notification sa late April, para meron ka nang record when they receive your notification. Or enroll in online SSS, para ma-check mo online kung na-post na before you file MAT1.
yehheyy thanks po ulit NORs! ganun na lang gagawin ko muna for now. ur the best! Godbless..
hi nors,
remenber me pa ba? anyway ako po ung nag-ask sau before sa maternity claim..bali nanganak nko nung december 2, 2011..so last january 13 nakapagpasa ng requirements sa claim ko..i declared myself separated sa employer..nung binigyan ako ng list of requirements ang nakacheck lamg sa separated na employee is certification ng employment na nkainclude last day ng work sa company so nkapagprovide ako..then pinakuha pa ko ng L301 file ata un bsta specimen signature card so nkapagprovide din ako..after nun, tinanggap lahat kasi complete na..then suddenly mkikita ko sa online inquiry ko denied sya kasi wala daw ako separation papers..pinagtataka ko certification lang hanap nila tska specimen signature card tska tinanggap nila tpos idedeclare bigla na di kumpleto tpos denied..maibabalik pba sken ung mga papers ko nun? khit ba denied na pwd ko pa din ayusin yung separation paper ko pra mkapagclaim ako ulit? nkakainis kasi..tska nanghihinayang ako..ceasarian pa nman ako..please pkisagot nman po..
salamat
Hi Jona, binalikan ko ang mga sagot ko sa yo dito sa Comments section. Naka-submit ka nga ba ng maternity notification? For filing ng maternity benefits as a separated member,ito ang mga requirements, accdg to the SSS website: MAT1 submission, MAT 2 or certification that no advance payment was granted (if confinement days applied for are within or prior to separation), certified or authenticated copy of duly registered birth certificate (better kung NSO or from town/city civil registrar kung wala pa sa NSO), certified true copy of operating room record/surgical memorandum, separation certification (merong date of separation), SSS ID (or kung wala, E-6 acknowledgement stub with 2 valid IDs). Kulang nga ang na-submit na docs.
By the way, did you continue to pay contributions? (parang meron kang new job, so meron kang SSS premiums under your new employer? Naka-post na ba itong mga premiums mo under new employer?) Baka merong question dito — bakit separated eh merong employer?
Palagay ko, puede pang re-apply kasi docs ang questions, pero you need to be sure about your SSS membership status sa pag-claim — separated ba? or employed? Ano ba dapat kaya ang gamitin na membership category? Correct me na lang if meron akong na-miss.
Hi. Your site is very informative and marami ka ng natulungan. I just would like to ask your assistance since I cannot find my old SSS card and now living abroad, is there a chance na malocate ko yun by just providing my name. I doubt if my employer still exist as I have moved from one company to another at ang last ay nadissolve na ang partnership. Now that I am in the middle of an unfortunate scenario and in dire need of financial assistance, It will be a big relief kung makaavail ako ng loan para sa mother ko who needs a pacemaker implantation. I have worked since my College days and If I remember it right I must have worked for like 7 to 8 years, may gap kase nanganak ako twice and I don’t remember availing a loan or maybe I did but to be quite honest I can[’t remember anymore. is there any chance that I can locate my SSS no? And that I can continue on paying Voluntarily or back to scratch ako.
Many thanks.
hi nors..wala ako nung certification of advance payment..(separated ako sa employer ko February 05, 2011 eh start ako pregnant april 2011 na..sabi kasi (if confinement days applied for are within or prior to separation)..lahat ng documents complete ako even ung L301 file na pinahihingi nila nsubmit ko..kya ako ngtataka kasi tinanggap nila wlang questions tpos ganun idedeclare bigla..employed ako start august 2011 pro d nila ako inapply sa SSS and PHIC ko that time kya dna nhulugan SSS ko..but the point there pasok ako kasi dun sa period of contingency na sinasabi eh..gusto ko sna ayusin man ung kulang na separation papers na un..kasi til now dpa ko nka-apply sa SSS ko dito sa new employer ko so stick ako sa separated..mdali lang nman humingi dun sa dating employer ko nung certyification of no advance payment na un..well sna pwede pa din ire-apply ulit un..sayang nman! kailangan ko pa ba wait ung papers ko na bumalik sken or pwd nako dumiretso dun sa SSS branch na pinag-claiman ko?
Thanks po huh..
Hi Beth, yes, you can retrieve your SSS no. Email an authorization letter to a relative/friend authorizing her/him to retrieve or verify your SSS no. I-print niya at dalhin (with his/her ID) sa SSS branch with online system. With your SSS no., you can enroll at the SSS website so that you can check your records. You need to be active to be able to apply for a loan, and you need to pay 6 months of premiums before filing. Meron ka naman nang 7 or 8 years of premiums noon, so okay ka na doon sa 36-month requirement. You can pay SSS premiums thru the remittance outlets or partners of PNB, Metrobank, Ventaja, I-Remit, Lucky Money, BDO Remit and Asia United Bank Gintong Hatid. Ito yong SSS contributions, mamili ka sa bandang kanan.
Hi Jona, better siguro kung punta ka sa another SSS office, and ask, and check kung iba ang advice nila doon sa unang office na pinuntahan mo. Tanungin mo na rin kung puedeng mag-refile kahit hindi mo pa natatanggap ang returned papers.
hi nors..okay na po! tumawag na ko dun sa branch nkng saan po ako nagfile..sabi wait ko muna ung papers ko then punta akko dun pra ma-advice nila ako kung ano yung problem tska kung ano gagawin..sabi kasi sa online kya sya denied “NO SEPARATION PAPERS”, “wrong key-encoding” then i found out kya ganito, sa online inquiry ko covered pa ko ng company..hndi pa nachange yung employee status ko..meaning dipa nadeclare nung former employer ko dun sa branch ng SSS kung saan sila ngpafile na resigned na ako..that’s why denied sya! malamang nyan sa employer ko na before ako mgrerequest na mgpasa sila ng form or certification, i don’t know bsta ideclare nila na separated nko skanila..yun pagkakaintindi ko..but anyway as of now the best thing to do is to wait for my papers then balik ako sa branch na pinag-claiman ko..pwede pa nman ayusin daw then reclaim ulit tutal 10 yrs. pa nman yung range kung magclaclaim..thanks sa help nors!
more power!
hi po nag resign po ako nung katapusan ng july 2011 ..3 years po ako sa company na pinag tratrabauhan ko nuon ..galing po ako sa sss main ngayon feb 22 2012 para kumuha ng id..ayaw po ako aprubahan na kumuha ng sss id dahil ang x employer ko simulat simula na nag work ako sa kanila nung june 2008 eh wala ako kahit isang hulog . no contribution po lumalabas pero kinakaltasan ako good thing dito pa po ang mga payslip ko na may kaltas anu po dapat ko gawin mahuhulugan pa po ba nila yun o i fafile ko na ng kaso…requirement ko po kasi pa abroad sss id anu dapat gawin ko makukuha ko pa ba yung 3 taon na drawing na hulog nila?o ppwede pa po ba ihulog nila sa contribution ko? thanks po
Hi Luis, nagpunta ka na pala sa SSS Main, bakit hindi ka man lang nila tinuruan kung anong dapat gawin, dahil hindi nairemit ng employer ang SSS contributions mo? Yong company mo na yan, ikaw lang kaya ang hindi hinulugan, o lahat kayong employees? Merong penalty condonation last year, sana nag-avail yong employer mo.
Anyway, I suggest punta ka sa employer mo at sabihin mong i-remit na nila yong SSS contributions mo immediately. Make copies of your recent payslips na merong SSS deductions para meron kang ipakita. Sabihin mo na magfa-file ka ng non-remittance complaint sa SSS kapag hindi sila mag-remit ASAP. Sana kasama mo rin ang mga iba pang employees na hindi nahulugan.
Meanwhile, if you need the ID, magbayad ka na ng SSS premiums as voluntary for Jan and Feb para meron nang ma-post na contributions para maka-apply ka for ID.
hi,i had my regular SSS contribution from 1992 to 2006.i had made my last salary loan 2005 and was not able to pay for this up to this time.i am at present an OFW ,since 2007, and has not continued paying my contribution and the said loan as well. i want to continue my share for SSS and also pay for my unpaid loan.how?
if i will not continue my contribution,will i still be legible to receive my pension when i reached 60(?) yrs of age? please advise.thank you very much.
Hi Raquel, tamang-tama merong salary loan penalty condonation program ang SSS starting April 2012. Take advantage of this na kasi matagal uli bago mag-offer sila ng ganito. Pero required na merong at least 3 monthly contributions before month of condonation application and at least 3 monthly amortizations paid. I’ll write about loan condonation and then notify you later para minsanan na lang yong sagot ko about this condonation. Meanwhile, you can pay thru I-Remit, PNB remittance centers, VENTAJA, Lucky Money, BDO Remit, Metrobank remittance centers, RCBC SSS Telepay, etc. Here’s the table for SSS contributions for voluntary members. Mamili ka na lang.
About pension, yes, meron kang pension kahit hindi ka na mag-continue sa contributions, kasi you have accumulated at least 120 months or 10 years of contributions. Lump sum cash lang pag less than 120 months.
Hi po ask ko lang po sana kc dati po my sss nko yung pink po na kulay 18yrs old po ata ako that time..hindi ko po yun nahulugan kahit minsan..ngaun po gusto ko xang ipagpa2loy housewife lang po ako at married na din..ano po dapat kung gawin..?!nsa akin prin nman yung pink na papel na yun tinago ko po xa..pls help me po thanks..
Hi Mary Ann, I suggest punta ka na lang sa nearest SSS with your birth certificate, para i-verify yong SSS number na hawak mo, para sure na nasa record pa nila, at para hindi ka magdoble kung kukuha ka ng new number. Tanungin mo lang yong guard saan ang verification of SSS number at yong form. SSS member ba si mister? Kung oo, Non-Working Spouse ka. This is the form for Non-Working Spouse Record. Kung hindi member, Self-Employed ka. Ito yong RS-1 Self-Employed Record form.
Hello po sir/mam… may itatanong lang po ako: ung father ko po kasi may sss dati pero nawala nya at hindi nrin nya alam kung ano ung number nya dun… pano po malalaman ung sss number nya para po mkapgrequest sya ng bago at para narin mahulugan ulit nmin.. thanks po and more power and Godbless!
meron p po akong follow up question kc nung nabasa ko to.. parang gusto ko nrin i-enroll ung mother ko s sss kaya lng wala po siyang copy of birth certificate. hindi nrin po kmi makakuha ng copy kc kasama po nasunog nung nasunog po ung munisipyo s bacolod city.. sobrang tagal na.. so di po nmin alam kung pano sya mgkakaroon ng copy.. thanks po ulit
Hi Michelle, punta ka lang sa SSS branch diyan sa Bacolod at iverify nio ang number ng father nio. Merong SSS verification slip na ifill-up. Kung verified na, hingi ng RS-5 at ifill-up and then pay sa cashier. Magkano ba? Ito ang SSS table for SSS contributions, mamili kayo ng kaya niong ihulog monthly.
About your mother’s SSS, meron bang NSO office sa inyo? Hingi kayo ng birth certificate sa NSO, and then puede nang mag-apply for a number and start membership sa self-employed or nonworking spouse.
hi ok lng ba na ung sister in low ko ang mag aply ng membership skin ng self employed .
Hi Sharon, nasa abroad ka ba? Puede, pero idownload mo itong SSS Self-Employed membership form, fill-up mo, sign mo and then send to her with authorization letter, and your birth certificate. Kung merong Iremit, Ventaja, or PNB remittance centers diyan, ask baka meron silang SSS membership service.
pano po kung 52 years old na ung gusto mag apply pwede pa po ba?
pahabol po pano kung walang record sa NSO minsan na pong kumuha ang nanay ko ng NSO certificate pero wala po talaga ciang record..
Yes, puede, basta meron siyang monthly source of income. Yong sa NSO record, merong alternatives — look at this SSS membership form Puedeng hanapin kung meron o magpa-late registration sa local registrar ng city or town ninyo.
Gud after noon sir/ma’am ask ko lang po paano ko ba malalaman kung ilan na ang contribution ko sa SSS,,dko kc mawari kung nkailang months or years n ba ang contribution ko…thanks
Hi Bonnavie, mag-enroll ka sa SSS online (www.sss.gov.ph) para ma-check mo ang records mo.
Hi, medyo naguluhan po kasi ako how to avail maternity benefit, ask ko lang po ulit, ang due date ko according to my OB, October 1, 2012, last contribution ko June of 2011. Im planning to apply voluntary from employed, asap. Eligible pa po ba ako for the maternity benefit? Or mahahabol pa po ba yung 3months contributions within 12months prior sa due date? Thank you so much in advance.
Hi Leck, sana October talaga ang due mo para ang prior 9-month period mo is Jan to Sep. Mag-member ka na today or tomorrow para mabayaran mo this quarter, or bayaran mo na ang buong 2012. Try paying for Dec 2011, baka lang mag-due ka sa Sept. Tell Philhealth you were previously an Employed Philhealth member. If the prior 9-month period is paid, eligible ka for maternity benefit. Prenatal care benefit
Hi Nors, thanks for the quick reply, sorry, is that applicable to SSS maternity benefit also? Sobrang confused lang sorry, hehe. Super thanks!
Hi Leck, sa SSS, you should notify SSS about your pregnancy. Next, you should have paid at least 3 months within the 12-month period before semester of contingency (delivery of baby). October ang due mo. Ang semester of contingency mo is July to Dec. Ang 12-month period mo is July 2011 to June 2012. Dapat sa period na yan, meron kang 3 months paid. If Sep ang due mo, ang 12-month period mo is April 2011 to March 2012. Best regards
My Maternity Claim has been denied twice. I have submitted all the needed data already. It was denied last Feb 9, 2012 and the remark was “CLAIM APPLICATION WAS FORWARDED TO YOUR SERVICING BRANCH ________________, PLEASE COORDINATE WITH THE SAID BRANCH. *” Then it was denied again last Feb 27, 2012 with remarks “FOR RE-EVALUATION/CLARIFICATION OF APPROVED CONFINEMENT * wrong key-encoding”. I went to their local office here in our city pero di din sila makasagot what is meant by this. Antay lang daw ako baka may ipadadalang letter ang Manila office. Hope you can enlighten me ano ibig sabihin ng wrong key-encoding and what should I do about it. Thanks so much.
hi nors gud pm. ask ko lang pano ko ba mashishift ang membership status ko sa sss from voluntary to self employed? nid ko ba ang rs-1 form? at kung sakali man self employed na ko at magshishift ulit sa pagiging empleyado sa private company pano naman un?ty nors in advance:)
Hi Louisse34, nakapagtataka naman na hindi ma-check ng branch ang error. Kutohan lang naman nila kung baka merong maling code. Hindi naman nila inadvise na punta ka sa hospital kasi sila naman yong nag-fill-up ng claim forms? Ito yong guidelines ng forms 2 and 3, baka gusto mong tingnan. Makikita mo na merong mga formats ng dates, PINs, etc. Hope you resolve it soon. https://sites.google.com/site/informationphilippines/philhealth/guidelines-for-philhealth-claim-forms-1-2-1
Hi Daphne, kung voluntary ka ngayon, ibig sabihin ay employed or self-employed ka before. Pareho lang naman ang calculation ng premium ng voluntary at self-employed. Curious lang ako bakit gusto mong maging self-employed. Ang nag-e-enroll kasi na self-employed sa SSS ay yong hindi pa SSS member na self-employed. About employment, kapag naging employee ka ulit, employed SSS member ka uli — ibig sabihin, yong employer mo babayaran niya yong share niya, at idededuct ang share mo from your sahod at siya ang magreremit sa SSS. Puedeng nagsi-shift ang type of member.
hi nors, nalito kz me sa membership status ko eh. actually nagwork na ko b4 sa isang private medical clinic tapos nagresign me so ung status ko ngaun sa sss voluntary na lang d ba? tama b ako? or self employed?. pano namn nors kung darating ung tym na ako namn ang magpapatau ng isang clinic d ba self employed un?
Hi Daphne, yes, kung ituloy mong mag-contribute immediately, voluntary ka. Just use the RS-5 form to pay your chosen premium. Pero if you like to be Self-employed na kasi you would be an employer in the near future, tama ka na yong SSS Form RS-1 ang i-submit mo together with your PRC ID or other IDs. You will need to write your yearly net earnings and monthly net earnings. Go Daphne, reach your goal of having your own clinic! Best regards.
My mom is an sss member now i want to know kung nahuhulugan ba nya? What if na stop,pwede pa kaya nyang i continue? Tnxs a lot!
tnx nors for ur kind answer:) hi juanita.pued mo naman malaman kung nahuhulugan nia kz meron na sss hotline dial 917-7777 pero dapat nakaready na ung sss number at bday ng mom mo kz ittype mo un sa phone after un malalamn mo na total num of contributions ng mom mo at present pero kung ala namn punta ka na lang sa nearest branch kung san sia registered or nagbabayad ng premium nia. stop??? puedeng pued ipagpatuloy un fill up lang nia RS5 form at nasaknya na un how much premium babayaran nia monthly nasa website ng sss table of contributions. tnx:)
Wow, thanks, Daphne, for sharing info! So glad you’re knowledgeable about these things. Nawala na nga sa isip ko yong sa hotline, kasi dati, lagi na lang busy. Hi Juanita, ito yong sinasabi ni Daphne na SSS RS-5 form, at ito yong sa table of SSS contributions. Puede kang mag-blog, Daphne, parang wide reader ka rin, or do you have a blog na?
hi nors. wider reader lang me pero sa topic lang na gusto ko kaya natututo me sa inyo at nashashare ko namn sa iba hehehehe…tyvm nors:) soweee kung minsan ako sumasagot sa kanila pero ikaw na bahala kung may mali o may gusto ka idagdag ok lng un
@Nors – Thanks for the immediate reply. Sorry but I forgot to mention sa SSS po yung kiniclaim kong benefit… Hope you’ll still answer me about this. Yes, I did go to the SSS office here (Cag. de Oro) but the in-charge doctors here can’t figure out why I was denied and they can’t understand “FOR RE-EVALUATION/CLARIFICATION OF APPROVED CONFINEMENT * wrong key-encoding”… Di da wnila ako masasagot bakit ganito… Do you have any idea, what is wrong with my application, why I was denied and what is meant by “wrong key-encoding”…
Louisse34, LOL, oo nga under SSS pala yong sinulatan mo. Dami kasing Philhealth na sinasagot ko kaya nong nabasa ko yong maternity ay Philhealth na ang nasa utak ko hahaha. Ang kini-claim mo yong maternity benefit na 60 days or 78 days? Yong inaadvans ng employer? By the way, employed ka or voluntary? Gusto ko lang kasing i-explore kung ano yong forms na you submitted and what’s wrong key-encoding. Di ba ang forms lang naman is MAT1 (which was submitted na before), MAT 2, OR record (if CS), and birth certificate? and then certain docs if separated, voluntary or self-employed, and if not CS, or not normal?
hello good am po. gusto ko lang po itanong kung pwede po ba ako mag loan? kaso last may2010 pa yung last na contribution ko,sabi kasi nung kapit bahay namin pwede pa din daw po mag loan kahit naka panganak na. 3companies na po ung napasukan ko bale ung una 10months then dalawang 5mos. may maku2ha po ba ako? wala na po kasi ako sa company ngayon.para po sa maternity.
Hi Daphne, go ahead mag-respond ka — tuwang-tuwa nga ako kung sumasagot ka, kasi saved time din sa akin yon (may job din ako). At saka, siempre, meron kang alam na hindi ko alam, or meron kang alternative na sagot. This way, we can learn from each other. Dagdagan ko na lang yong sagot mo kung merong other point na hindi nasagot. Thank you very much again, Daphne, please visit from time to time and respond or comment. Take care and God bless.
Hi Toni, loan ba o maternity benefit? Sa salary loan, dapat ituloy mo ang pagbayad ng contribution, kasi makapag-loan ka lang this year kung active member ka — meron kang naibayad na 6 monthly contributions immediately bago ka mag-loan — at dapat meron kang 36 months of contributions lahat-lahat. Sa maternity benefit naman, dapat nakapag-submit ka ng maternity notification sa SSS bago ka nanganak. At meron ding requirement na meron ka dapat 3 monthly payments within the 12-month period before semester of contingency. Dito, merong explanation dito ng semester of contingency.
@Nors- Hello po! Thanks po ulit for replying. Anyway, I’m claiming for 60 days lang kasi miscarriage yung case ko. I’m a voluntary member na since the other year pa. I submitted forms Mat-1 and Mat-2 already together with D&C report from the hospital, OB’s certification that I had a miscarriage, hospital records of confinement which also states that it was my 2nd pregnancy, ultrasound report during pregnancy (may fetus pa) and also ultrasound report after namiscarriage (no more fetus inside the womb)… I was really wandering ano pa kulang sa sinubmit ko kasi so far ata, kompleto na yun kasi even the receiving doctor(maternity benefit in-charge ng sss), checked and approved all my documents. Yun nga lang denied… Hope you can enlighten me about this… thanks so much!
Hi Louisse34, puzzling nga yang case mo, kasi bakit hindi makita ng mismong SSS diyan yong error. Yong eligibility mo na, ayos naman? Yong at least 3 monthly contributions within the 12-month period prior to semester of contingency? Sige, I’ll see kung ano pa maisip ko na dahilan.
@Nors – hello po. Yup, I started to continue my sss contribution since late 2009 pa… Actually, may dineclare na na amount ang SSS para sa akin (nakalagay na nga sa SSS maternity benefits ko online). Yung problema lang is denied… Hope you can help me with this… Thanks…
hi, gud pm… gusto ko lang pong mag ask kung anong age ang maximum na pwedeng mag apply for SSS and mag contribute.. is it 50years old? meron kasi akong kakilala na matandang flower vendor na wala palang SSS and plano kong tulungan sya to apply para kahit papano makatulong sa kanya later.. & hope to hear a reply soon coz di ko nakita answers ng questions ko sa SSS site mismo, thank you.
hi april:) april para makatanggap ng sss pension isang miyembro dapat may nalikom ang sss na more than or equal to 120 contributions (>=10 yrs) sa isang miembro. kung maagang edad sia nagumpisa siempre malaking pension matatangap nia.ngaun kung 55 yo na sia puede pa magpamember kz nga aabot pa sia sa retirement age na 65 so makakapagcontribute pa sia ng 120 contributions pero sa edad na 55 yo dapat alang patlang sa pagbayad ng monthly premiums nia at taas taasan na rin nia monthly premiums (maximum per month ay 1560 pesos)nia. Ngaun kung d man sia umabot sa 120 contributions, ala sia pension matatangap kundi LUMPSUM na lang
Hi Daphne, thanks again so much, you’re a big help. Alam na alam mo na ang mga rules, that’s great.
Hi April, oo, tama yong advice ni Daphne. Ang gusto ko na lang idagdag ay gusto kong i-appreciate kita for your concern for this flower vendor. I wish there were more people like you. I hope you comment again about your experience helping this person to enroll, para merong example, tip o inspirasyon for others in the same situation.
thank you so much on your replies, but 59 yo na pala sya, but i guess base on ur replies pue d pa but ala na sya pension but could still receive a lumpsum, right? thank you again…
hi april:) yup lump sum na lang kung magstart sia na edad na yan, 6 yrs lang sia makakahulog ng contributions nia kulang pa ng 4 yrs:)
Yes, makakatulong na yong lumpsum, at saka yong funeral benefit for the persons who will take charge later on. Maganda kung makakakuha kayo ng barangay certification that she is a flower vendor, kasi may nag-comment dito na hinanapan siya ng income document dahil first time niyang mag-member at older adult na siya. Best regards again. And thanks again, Daphne.
ms nors paano yung? nanganak yung sister in law ko 6 years past na, owf siya, pwede pa ba siya maka avail ng maternity reinbursement? thanks
hi po .. Good day po ask ko lang po kung may maku2ha po ba kong maternity benifits almost 1yr. na rn po ko nakapag hulog sa sss ko sa dalawang company na napasukan ko . Kakaalis ko lng po sa last employer ko nitong feb. 20 po . di na po ko nkapag renew sa agency bwal po kc preggy smin eh! manager ko nag inform skin na mag self-employed po ko para my mkuhang benifits . Sabi po kc ng ob q , september po ung due ko. Reply po tnx !:)) more power po sainyo SALAMAT NG MRAMI , GODBLESS po .
hi nina… continue mo pa rin sss contributions mo as voluntary na fill up mo lang rs5 form. tapos regarding sa pregnancy mo? yes sakop ka na sa maternity benefits. since na voluntary na status mo, inform mo na agad ang sss kung san ka ngbabayad ng premium mo o kung nasaan ang records mo na buntis ka fill up mo lang sss mat-1 and sss mat-2 forms, sss id mo at proof of pregnancy mo. tyvm:)
pahabol lng po mam nors .. Pki inform po ko kung anung mga kailangan ko gwin . First tym po kc medjo nalilito pa po . Bka mag muka ko tanga pagpunta sa SSS . and lastly po anu2 po ba ung mga requirments .. tnx po dmi ko ntu2nan binasa ko po kc muna ung ibng comments .. REPLY PO
tnx sa pagreply agad , mis daphne salamat po . Ahmp .. tanung ko lng di po ba self-employed ung ipagpa2tuloy ko voluntary po ? Pag punta ko po ng sss RS5 ung bgo kong pipil-upan ? cge salamat po tlga sa mhalgang info nyo tnx
tnx sa pagreply agad , mis daphne salamat po . Ahmp .. tanung ko lng di po ba self-employed ung ipagpa2tuloy ko voluntary po pareho lng po ba un ? Pag punta ko po ng sss RS5 ung bgo kong kukuhain ? cge salamat po tlga sa mhalgang info nyo tnx
hi nina:)voluntary kz ang tawag sa mga naging empleyado na huminto sa trabaho at gusto ipagpatuloy pa rin ung monthly contributions nila. hingi ka RS5 form lagay mo lang sa bawat buwan kung magkano monthly premiums na babayaran mo. minimum natin 104 pesos. visit mo http://www.sss.gov.ph nandun ung table of contributions kung ano nais mong monthly premiums. nandun din ung mga requirements for maternity benefits:) ty nina:)
aah ! cge po salamat tlga .. Daphne .. Ok po nagetz ko na po medjo nlilito lng po cge po . bka po sa mon. punta na po ko sss para ackasuhin po .. salamat po ulit .:) comment ko nlang po kau ulit if ever ok na po . GODBLESS po .
daphne .. Last na kelangan ba ng SSS id ? kasi wla parin aq nun hanggang ngaun , hndi pa po ako nakakakuha e1 parin po ang meron aq .. Ang alam ko ksi mtagal process ng SSS id .. salamat po .
hi nina. total pupunta ka sa monday sa sss. pued ka na rin magpagawa ng ID. fill up mo lang ung E6 form nila tapos dala ka valid ids.bago na kz id ngaun unified na pinagsamang sss pagibig at philhealth sa isang id. ako ngapagawa ng id sa sss last jan 2011 nakuha ko ng nov 2011. good luck nina…keep in touch
Wow! thanks again Daphne! Meron pala ako ditong table of SSS contributions. http://www.workingpinoy.com/2012/02/sss-contributions-philippines/
nag member po ako ng sss nong october last year dahil kailangan po sa aking trabaho pero 1 month lng ako sa trabahong yon nakuha ko lang po ang 15days na sahod ko nag resign na po ako agad dahil hindi ko na po kaya…at ngayon po gusto ko pong hulugan yong sss as self employed po..pwede po bang itoloy hulugan kahit hindi po ako naghuhulog ng ilang buwan?at sa paghulog po ng sss pwede po bang advance kung magbayad?
maraming salamat po!
hi mark:) yup. pued mo hulugan ang sss mo as self employed status. pued mo rin hulugan yan kahit in advance pa at nasasa iyo na rin kung how much ang gusto mo na monthly contributions basta huwag lang sia baba o tataas agad ng 2 salary brackets:)thanks mark:)
maraming salamat po sa info..more power..
halimbawa po kung naghuhulog po ako ng P468.00 monthly sa SSS at itoy nakumpleto ko po ang 120 months..magkano po ang pension na matatanggap ku balang araw po??
Hi po! ask ko lang po, pano kapag Self Employed tapos ikoclose na po ang business.. pupunta na rin po sa America and di na mahuhulugan ung SSS.. ano pong form ang nedd i fill up para ma update ang SSS na close na ung business?
hi po ask ko lang po ..sss member po ang tatay 73 years old na sia ngayon… meron po siang binigay sa amin na sss id number nia .ito ngwowork daw po sia sa manila dati. . pero hindi ko po maverify kung nahulugan po ito ng pinagtrarabahuan nia at kung magkano po..ngayon po ay may sakit sia.. may mga benefit po ba kmi na pwedeng mkuha para sa knya. kasalukuyan po siang nasa hospital at naggagamot po
thanks po!
Hi Jane, sori, kelangang merong 3 monthly contributions within the 12-month period before semester of confinement — bale within Jan to Dec 2011, dapat merong nabayaran na 3 months. At hindi rin puedeng bayaran ang matagal nang lumipas na months. Puedeng Philhealth dependent siya ng anak na Philhealth member.
thank you po…may isang tanong pa po ako . pwede po bang icontinue at magbayad for the current month. kaialngan ko po ba change muna status nia as voluntary..thanks
Hi Jane, yes, pede siyang voluntary. Verify mo muna kung meron siyang contribution sa SSS branch near you. You need SSS no., name, your ID and your father’s ID, and authorization letter authorizing you to verify. Kung merong payment before as employed member, pede nang magbayad. Hingi ka ng RS-5 contribution payment form. Best regards
ask ko lang po dati my maliit akong tindahan pero nag sarado na kc po nag asawa ako.. nag apply ako ng sss mga 3yrs na po pero hinde ko pa nahuhulugan mula 2009 hangang 2012 at balak ko na sana hulugan ang sss sv lang saken wala daw ako trho at negosyo pero may asawa ako koreano housewife po ako ngaun ano po ba dapat kong aply? asap po
hi mel:) kung ala pa tlgang hulog ang sss mo ang classification mo dapat ngaun ay self employed pero dapat nga may work ka kz un ang batayan nila na makakabayad ka tlga ng premium contributions mo sa sss monthly.kung ito nahulugan na halimbawa naging empleyado ka dati pued mo namn ipagpatuloy ito at voluntary status mo kuha ka lang rs 5 form. thanks mel:)
Hi Daphne, it’s great you’re here again. Nag-Boracay ka yata? Thanks again Daphne.
Hi! Ask q lng po kung covered maternity benefits ko sa sss ng husband ko… Thanks!
hi po ! mam daphne naala2 nyo po ba q c nina pu 2 ung ngttnung about maternty benifts.. Ok na pu ung maternity notification q nareceivd na pu sya, tpus pasa q nlng w/ ultrasound ni beibi tpus un mat2 aftr dlivery pa w/ bcrtfcte ni baby ahm ask q lng if evr ok na nkapangank na q then npasa q na ung mat2 mga ilng months/day q kea mkuha ung benifts? hehe exited.. . Nkapg pa id nrin pu aq at nkpg voluntry na q(rs5) kso ang nhulog q lng is march ‘nd april tnung q lng kpg ba sa bayad center na q naghulog kelngn prn b ng rs5 form , para pu kc sure humingi ng q ng 2 form.. salamat pu tlga sa lhat ng advice daphne.. sobrng laki ng tulong nyo MORE POWER GODBLESS:) . Pti ky LORD na gumaby sa lakad q .
hi Ms.Nors,
i want to ask if it is possible continue my SSS payment as self employed and how is it being done. i just resigned from work a month ago and started my own business, an Internet Cafe.
i hope to receive a response from you soon.
Thank you and Godless.
Hi Ghellie, congrats for starting your own business! More success! Yes, you can continue your SSS payments. Check this SSS contribution schedule. Choose which salary range you like and the monthly premium you can pay every month. This is the RS-5 SSS contribution payment form You can change your premium, pero huwag more than 2 levels at a time. Nasa form din itong rule na ito. God bless din.
gud day miss nors!
i just wanna ask kung maghuhulog po ako sa sss as a voluntary member rs-5 lang po ba ang kailangan kong i-fill up? kase ung sa mom ko po bukod sa rs-5 may nakaattach pa na isang papel and dun nakalagay ung receipt number.. sa bank na po ba iyon nakukuha? saan po ba nakikita ung pinaka number ng rs-5 form na kailangan para makapagregister ako sa olnine inquiry ng sss website?
salamat po!
at anu anu pong mga banko ang pwedeng puntahan para makapagbayad sa sss contributions?
nag end of contract po q oct 24 2011,,tapos po due po ko sa panganganak aug 2012,,may mkukha po b q sa maternity?di n po nkapag hulog nun,,
what if balak ko po ngaun ngaun n mg voluntary n lang ,
Hi Sheryl, yes, meron kang makukuha kung mag-member ka this month, para active member ka and you send the SSS maternity notification. This is the SSS payment form and this is the SSS contribution schedule — dito mo titingnan kung magkano ang monthly payment mo, yong kaya mong bayaran every month. Ang semester of contingency mo is Apr to Sep 2012. Ang prior 12-month period mo is Apr 2011 to Mar 2012 (tama ba ang bilang ko?) — kung meron kang 3 months na paid diyan, eligible ka, as long as you reactivate your membership and you notify the SSS of your pregnancy before your due. Best regards
Hi NOrs. ask ko lng po kung ano ibig sabihin ng 60 days fron the date of conception? mag papasa n kasi ang company nmin ng contribution sa sss para sa buwan ng Marso. it means mgiging 3months n ang contribution ko sa sss. actually ako pa ang mag papasa mismo sa sss kaya manghihingi n ako ng form n MAt1 at Mat 2.. anong una kong gagawin? kapag nfil up n ng company yung form at nfil apan ko nrin?
Hi Diosy, 60 days from date of conception means pregnant na ng 2 months. Yang date na yan ay kino-compute ng Ob-gyne. Actually, mae-estimate mo rin kung alam mo yong date/s of contact/s tapos wala nang menstruation. But usually, it’s the ob-gyne that estimates the date and that writes the certification that you’re pregnant and your expected delivery date. Yong MAT1 muna ang isa-submit. Dalhin lang yong certificate of pregnancy, or ultrasound report, or pregnancy test result. Yong MAT2, kapag nanganak na at meron nang birth certificate.
ang expected date kasi ng ob ay july 14 while yung nag ultra sound nmn ay last week of july daw ako manganganak. anyway yun nlng gagawin ko. hmmm pede ko nrin bang isabay sa pag pasa ng Contribution nmin yung MAT1? ehehe sana qualified ako.. Thanks po Nors
Hi diosy, kung July ang due mo, ang semester of contingency mo is Apr to Sep 2012. Kung bayad na ang Jan to March mo, eligible ka. Kung hindi pa posted ang Jan to March premiums mo, palagay ko, antayin mo muna na ma-post bago mo i-submit ang MAT1 mo. Bale 1st premiums mo ang Jan to March, di ba? If so, wait mo muna na ma-post.
Hi! Ngresign po ako noong April 2010 sa pinapasukan ko. Almost 4 years n po ng contribute sa SSS. Ngayon wla nko akong trabaho almost 2 years. Gusto ko po sana i continue ang SSS as voluntary para mka avail ng maternity benifits ang due date ko po sa October 2012. Qualified po ba ako kapag ngayon po i-continue SSS?
Hi ermz, kung Oct ang due mo, your semester of contingency is July to Dec 2012. Ang prior 12-month period mo is July 2011 to June 2012. Bayaran mo na agad ang April to June para meron kang 3 monthly payments within the prior 12-month period. Then continue paying kasi dapat active member. Submit maternity notification also to SSS.
Thank you So Much NOrs! ur the best tlga. cgeh wait ko pa till ma post ng sss sa account ko sa site nila bago ko isubmit ang mat-1.. hehehe salamat tlga ah.. more power. Godbless!
pahabol ko narin sana kung paano ko magagamit philhealth ko sa panganganak ko. hehehe (^^,) thanks ulit.
dapat pala 9 months ko mahulugan ang philhealth? hehehe di pla ako makapag avail.
Hi diosy, eligible ka kasi employed member ka. 9-month requirement is only for voluntary maternity eligibility. May sagot ako don sa post ng Philhealth maternity benefits.
Tnx, Nors… Salamat mbawasan ang gastusin ko.. God Bless..
hi there! re: the case of my husband,(which i think is the same with the case of Kim) he got his SSS number before but wasn’t able to pay any contributions. now he’s employed by the PNP, problem is, PNP is no longer covered by GSIS, though they have their own (PSMBFAI ata) but the benefits aren’t like SSS or GSIS so he cut it. he wants to continue with SSS but he was advised by SSS to be a voluntary member but one of the requirements they’re asking is a business permit. we don’t have that nor can we present any of what they’re asking. is there any chance he can still continue with sss? thanks
thanks tlga nors. sa uulitin..
Hi Red, I’m puzzled na bakit business permit ang hinanap? At bakit hindi employment and income certificate ang hinanap? Bawal din kaya ang PNP sa SSS? Baka puede na yong membership sa direct marketing companies giving plastic photo IDs with expiration dates. Income source din yan, di ba? Mag-research muna ako ha… at ikaw na rin…
Hi Diosy, welcome. Additional info, if you have not read yet about them: http://www.healthphilippines.net/2011/11/philhealth-maternity-benefit-prenatal-care/ http://www.healthphilippines.net/2011/08/philhealth-maternity-benefits-newborn-care/
Gud am. ask ko lang po if maa-avail ko po ba yung maternity loan sa sss. may 52 months po akong hulog kaso po mula april 2011 hindi na po ako nakapaghulog kasi lumipat ako ng work sa government. only this month, i’ve learned that im pregnant kaso after 2 weeks nakunan po ako. hindi ko po nainform ang sss re: my pregnancy and not yer re: my miscarriage. iinform ko pa lang po. with the things i’ve stated, will i still have my maternity benefits with sss? pwede ko bang hulugan yung mga months na hindi ko nabayaran? kahit mula January 2012- March 2012 para magqualify ako? Or kung di po pwepwede, may alternative po ba para makakuha ako ng ibang benefits na applicable sa akin. Tnx po ng marami.
Gud am po uli. How can i also maximize my maternity benefits (miscarriage) with Philhealth and GSIS? Ung maternity hospital po ay not accredited ng Philhealth… Active Philhealth and GSIS member po ako. Salamat po ng marami. tnx!
Hi Catherine, sori, yong sa Philhealth, hindi na puedeng refund kasi hindi accredited ang maternity hospital. Puede siguro kung i-approve ng Philhealth na emergency at yang hospital na yan lang ang hospital sa lugar ninyo at DOH hospital siya at depende pa rin sa Philhealth kung approve siya na emergency.
Yong sa SSS, kung makabayad ka this April as member para active member ka, eligible ka kasi meron kang 3 months of payments — Jan to Mar 2011 (at least 3 monthly payments within the 12-month prior to semester of contingency). Ang problem lang is wala kang notification, at ang rule kasi ng SSS ay mag-notify after at least 60 days from conception, so hindi ko alam kung covered yang case mo, kasi 2 weeks lang. So if you have time, punta ka na lang sa SSS para magtanong para mas sure. Best regards
hi poh ask ko lng poh kung makakakuha ba ko ng maternity benefit kahit nahinto hulog ko?34months n hulog ko sa sss last hulog ko po august 2011..nanganak aq april 24,2012…hope u reply tnx poh…
Hi Joan, puede ka sana sa requirement na 3 monthly payments within the 12-month period prior to semester of contingency. Pero dalawa ang hindi mo nagawa: submit maternity notice to SSS before giving birth, at hindi ka current member noong nanganak ka. Puede mo pa namang bayaran ang April premium, pero hindi ko sure yong sa maternity notice. Ikaw, kung gusto mong i-pursue kahit hindi sure. Magtanong ka nearest SSS branch. Best regards
Hi po ask lang po kung paano ba makapag bayad ng voluntary i have been a sss member matagal na kaya lang never pa ako nakapagbayad. I tried one time paying as a voluntary member kaya lang ayaw nila tanggapin ang payment ko kasi hindi pa ako nakapag bayad kahit one month lang. Kaya nga po ako pumunta para magkapag umpisa na ako magbayad then yun ang isasagot nila sa akin. Tama ba yun? I have an employer kaya lang nahihirapan sya iapply lahat ng employee sa sss kasi yung ibang co-worker ko ay wala pa sss number. So i decided to pay muna as voluntary for a while. Any info on how i can start paying? Yung mga business center po ba tumatanggap ng payment for first timer?
Hi Kayzee, rule kasi ng SSS na ang Voluntary ay dapat naging member before as Employed. Puede ka as Self-employed, kung meron kang ma-submit na proof of income na hindi employment. Kung ang isa-submit mong proof of income ay yong certificate of employment, baka sabihin nila … bakit hindi ka magpa-member as employee — hindi ka self-employed kasi employee ka. So ang remedyo ay persuade your co-workers to get their SSS numbers… for their family’s sake. at nang sa ganon ay maka-start na ang employer ninyo. Benefit nio yan, bakit ayaw kumuha na ng numbers ang co-employees mo. Best regards