SSS Loan Condonation until Oct 1, 2018 only, Apply ASAP!

Puedeng ito na ang last SSS loan condonation program bago ka mag-retire, so dapat mag-avail ka na, kasi wala tayong kawala sa SSS loan natin. Kukunin at kukunin ng SSS ang bayad ng loan.

When it’s time to file your retirement claim, at hindi mo pa nabayaran ang iyong loan, kukunin muna ng SSS ang montly pension mo from month to month hanggang mabayaran in full yong loan mo na lumaki na nang husto dahil sa interests and penalties.

 

sss-loan-condonation-money

 

At kung lumaki na nang husto ang loan natin, baka hindi na natin maranasang mag-pension!

Mag-apply ka na habang konti pa ang applicants, at hindi pa super haba ang pila, at malayo pa ang Oct 1 deadline. Application started on April 2, 2018.

 

Are you qualified to apply?
Yes, kapag ang SSS loan mo ay delinquent na for 6 months or more, and you lived or worked in an area when that area suffered a calamity, like Ondoy, at mababayaran mo ang restructured loan mo before you turn 65.

See below the list of calamities considered.

Puede ka ring mag-apply kung pa-retire ka na at meron kang loan, or mag-permanent disability claim ka at meron kang loan, or ang death claim mo ay merong loan, basta hindi pa na-process yong claim mo. Kelangan din na yong date of retirement, or date of death or permanent disability ay on or before October 1, 2018.

Kapag naka-avail ka na ng SSS loan condonation noong April 2016 to April 2017, at hindi mo itinuloy ang pagbabayad, sorry, hindi ka na raw qualified to apply under the 2018 loan condonation program.

Anong SSS loans ang puede?

  • Salary Loan
  • Calamity Loan
  • Salary Loan Early Renewal Program (SLERP)
  • Emergency Loan
  • Educational Loan (old)
  • Study Now Pay Later Plan
  • Vocational-Technical Course Loan
  • Y2K Loan
  • Investments Incentive Loan

What documents are required?
Good news at tinanggal na yong Affidavit of Residency na requirement! Palakpakan ang SSS.
Isinama na lang siya sa form at hindi na kailangan ang notarization. Ganyan, SSS, mag-isip ng makakagaan sa member.

  • One primary ID or two secondary IDs
  • Loan Restructing Application form (SSS form ito)
    Fill up this form in CAPITAL LETTERS, PRINTED style, with BLACK INK
  • Statement of Loan Balances (from SSS), usually yong SSS officer na ang magpi-print nito kapag complete na yong other requirements mo

Later on, with the SSS officer, pipirma ka ng:

  • Member Data Change Request
  • Promissory Note
  • Schedule of your Monthly Installments

at bibigyan ka ng:

  • Notice of Approval

Can I ask my authorized representative to file for me?
Yes. Your representative needs to file this LOA: Letter of Authority (SSS form)
and to present one primary ID or two secondary IDs

Thank you, SSS, na LOA na, at hindi na SPA, which is expensive for OFWs to procure and send.

Calamities considered:
Ondoy — 2009
Sendong — 2011
Pedring and Quiel — 2012
Pablo — 2012
Labuyo — 2013
Maring — 2013
Santi — 2013
Armed Conflict in Zamboanga — 2013
Bohol and Cebu Earthquake — 2013
Yolanda — 2013
Agaton — 2013
Glenda — 2014
Mario — 2014
Ruby — 2014
Seniang — 2014
Lando — 2015
Nona — 2015

Dapat na-declare ng NDRRMC or the National Government na under state of calamity yong lugar mo when the calamity happened.

Pagpapaliwanag: Dapat ang title ng post ko ay SSS Loan Penalty Condonation program, kasi yong penalties lang ang kino-condone o pinapatawad ng SSS, kaya lang Loan Condonation kasi ang nakagawian na nating sabihin.

Hindi ba talaga kasali ang Stock Investment Loan at Privatization Fund Loan Program?

Sorry, hindi kasali. Ang program for you is Option to Sell Shares of Stock Program. Ito yong mga forms: Application for Option to Sell Shares of Stock Program and Special Power of Attorney authorizing SSS traders to sell your shares of stock.

Kung merong matira sa sales proceeds, ibabayad sa ibang loans mo. Kung meron pang matira, ibibigay sa iyo.

Kung kulang ang sales proceeds na pambayad sa SILP loan mo, kailangan pa rin na babayaran mo yong balance. If left unpaid, this balance will have interests and penalties.

19 Comments

Add a Comment
  1. Hi Bert, yes, puede, mag-apply ka lang. 200 pesos ang UMID ID. Iba-iba ang speed of processing, puedeng 1 to 2 months or more.

  2. Hi Bert, yes, puede, basta you’ve been delinquent for at least 6 months, you live or work in a place that suffered a calamity na nasa list, at hindi ka nag-avail last year. Punta ka lang sa nearest SSS with your ID. I-select mo yong longest term na puedeng magbayad para mas mababa yong monthly at hindi ka masyadong mahirapan. Pag nag-avail ka ngayon, kelangang try your best to pay it from month to month, kasi malamang hindi na nila uli papayagang mag-avail uli kapag meron pang condonation program in the future.

  3. Hello Bert,

    YES meron ongoing Loan Penalty Condonation Program ang SSS sa ngayon at HANGGANG Oct. 1, 2018 lang so samantalahin na natin ang pagkakataon kung tayo ay kwalipikado. Malaking bagay ang mabawas na penalty sa ating hindi nababayarang loan kasi ang PENALTY ANG LUMOLOBO AT PALAKI NG PALAKI habang lumilipas ang panahon na hindi nababayaran ang loan. Tama ang nabanggit ni Ms. Nora na hahanapan ng paraan ng SSS upang masingil ito sa ating FINAL BENEFITS – sa pension o death o disability benefits. Walang takas tayo dito.

  4. Bert Delos Reyes Castillo Jr.

    Good day po pwede po bang palitan ng UMID card ang dati Kong SSS ID card ilang buwan po marelease at magkano po ang UMID card

  5. Bert Delos Reyes Castillo Jr.

    Good day po simula September 2015 until now ay wala na po akong trabaho halos mag tatlong taon na po 2018 dahil po ako ay nagkasakit unfit for duty dahil SA hypothyroid paano po ma stop ang monthly interest wala na po akong kakayahan bayaran ang aking salary loan. Sana po ay mag apply po ako kung meron po kayong SSS salary condonation program

  6. Bert Delos Reyes Castillo Jr.

    Good day po Sir, Madam. Can i avail to apply salary loan condonation program

  7. Hi Vilma, yes, file your loan penalty condonation application asap, kasi kung maayos na ang salary loan mo, makukuha mo ang maternity benefit mo. Kasi kung delinquent ang salary loan, ipinambabayad ang maternity benefit sa delinquent salary loan.

  8. Can i avail this even if i will avail my maternity benefit as self employed?

  9. For the benefit of those wishing to avail of the 2018 Loan Restructuring and Penalty Condonation Program, payment guidelines issued by SSS

    The principal and interest of all past due short term loans of the member-borrower shall be consolidated into one Restructured Loan RL1 payable either in full or installment options.

    Full payment is payable within 30 days from the approval of loan restructuring application
    Installment payment is payable in equal monthly amortizations over number of months to pay based on RL1 range below:

    RL1 range No. of months to pay
    (Sum of principal& interest)

    P2000- 18,000 12 months
    P18,000 – 36,000 24 months
    P36,000 – 54,000 36 months
    P54,000 – 72,000 48 months
    More than P72,000 60 months

  10. Hi trixie, puede na dito sa member_relations@sss.gov.ph. Puedeng ito ang Subject: Reporting an SSS Death Pension Violation by _________. Include the address of the member. Thanks for sharing later on the result.

  11. mam..nora . pwede po ba mahingi ang email na pwede ko masendan ng aking report at evidence. maraming slamat po sa pagsagot nyo skin dto. iuupdate kopo kau once na nagkaresulta n ang aking nais.

  12. Hi trixie, puede namang email. I-attach nio na lang yong picture na evidence nio. Yong iba na nagko-comment dito ay agad namang napapatigil yong pension after investigation.

  13. tuloy2 p din po ang pensyon nya mam. eh!
    and the same time may dlawa na po nag report. tas ung ininvestigate na sya. nakakalusot padin but this time po kase my picture na kami na nagpapatunay kc 14yrs. nag patay asawa nya. at 10yrd na silanh nagsasama ng bf nya.
    hindi po ba pwede i email ang sss in this case na irereport nmin??

  14. Hi trixie, baka naman natigil na ang pension ng widow. Or baka meron ding mga kapitbahay ang nagpapatunay na walang ka-live in yong widow. Puedeng mag-report at any SSS branch. Bring your proofs.

  15. hi ms. nora.sana po mapansin nyo po ang aking kata ungan.. nais po nmin malaman kng ano gagawin naming mga kpitbhay at kamaganak ng kinakasama ng babaeng tumatanggap ng pensyon ng namatay nyang asawa

    san po pwede direct magreport sa case na..
    kung ang isang babae na tumatanggap ng buwanang pensyon galing sss dhil sa namatay nyang tunay na asawa at ngaun ay may kinakasama na syang ibang lalaki now. nagabroad din ung kalive in partner nya! para po mag stop ang kanyang pensyon monthly.
    at may katibayan din po kami na nagpapatunay na nagsasama sila.

    marami napo nagsurvey pero nakakalusot pdin sya at patuloy anq pension nya.
    salamat po.

  16. Hello Kella and Milagros

    As per guidelines issued recently by SSS the following loans ARE EXCLUDED from the 2018 Loan Restructuring and Penalty Condonation Program

    1. Stocks Investment Loan Program (SILP)
    2. Privatization Fund Loan Program (PFLP) involving Petron and Meralco shares
    3. Educ-Assist Loan which is DIFFERENT FROM Study Now Pay Later and Educational Loan Program

    Study Now Pay Later and previous Educational Loan program ARE INCLUDED in the present Loan Restructuring Program

  17. Hi Kella and Milagros, sa last loan penalty condonation program in 2016-2017, it was announced that the stock loan is excluded from the program because the Option to Sell Shares program was still ongoing. I think it’s still excluded because the Option to Sell Shares form is still available on the SSS website: Option to Sell Shares of Stock. at walang deadline na nakalagay sa form, so I think it’s still ongoing.

  18. Is stock loan included in the 2018 SSS loan Penalty Condonation Program?

  19. Milagros A. Macatangay

    Is stock loan included in the 2018 SSS loan Penalty Condonation Program?

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Working Pinoy © 2008-2018 Frontier Theme