Kung mabilis lang sana ang Philhealth benefits processing, at mabilis mabayaran ang mga hospitals, hindi na sana gumagawa ang ibang clinics at hospitals ng mga REMEDYO para mailipat nila ang BURDEN ng MATAGAL na pag-aantay ng Philhealth refund sa mga pasyente.
Ano ba ang ginagawa ng ibang clinics at hospitals para hindi sila ang mag-antay ng Philhealth refund kundi mga pasyente?
Hindi nila dine-deduct agad ang Philhealth benefits sa hospital bill, para magbayad ng FULL ang pasyente, at para pasyente ang mag-antay nang pagkatagal-tagal sa Philhealth refund.
Anu-ano ang mga sinasabi nila sa pasyente?
– Sinasabi ng clinic o hospital na kulang ang documents ng pasyente, kaya hindi nila ma-deduct agad sa hospital bill ang Philhealth benefit. Example, sabi ng Philhealth, puedeng maka-avail as dependent basta merong proof of relation, at kahit hindi pa nakasulat sa MDR. Pero, yong ibang clinic/hospital, gusto nila nakasulat sa MDR.
– Sinasabi ng clinic o hospital na hindi ma-deduct agad ang benefit kasi merong gap sa contributions sa Philhealth. Para ke ano pa na merong rule na 3 monthly payments within the prior 6-month period, or 9 monthly payments within the prior 12-month period, kung talagang dapat walang gap sa payments? Eh sana sinabi na lang ng Philhealth na 3 monthly payments or 9 monthly payments immediately prior to confinement (which is not humane, and which defeats the purpose of Philhealth).
– Pinagda-down payment nila ang pasyente, at later on, pag discharge time na, sinasabihan ang pasyente na makukuha nila ang refund kapag andiyan na ang Philhealth refund.
– Pinabibili ang pasyente ng almost lahat na gamot and other supplies sa labas. Later on, sasabihan ang pasyente na antayin ang Philhealth refund.
– Outright na sinasabi ng clinic sa pasyente na ang policy nila ay refund at hindi deduction. Ito, maiintindihan pa natin ito, lalo na sa mga malilit na clinics, na kelangang magpasahod. Pero maiiwasan sana ito kung mabilis mag-refund ang Philhealth.
[adsense]
– Meron pang isang problem: Bukod sa hindi na na-deduct agad ang Philhealth benefit, hindi pa ma-claim ng pasyente nang buo ang kanyang Philhealth benefit, kasi kulang ang Official Receipts na isa-submit. Merong mga health professionals na hindi nag-i-issue ng Official Receipts for their services.
Saan ko nakuha ang problema na ito? Sa mga nag-co-comment dito sa blog na ito at sa iba pa naming blogs. Meron pa ngang nagtanong dito na ano raw ang gagawin niya, kasi after waiting for several months, natanggap niya na yong Philhealth check niya, kaya lang ayaw nang i-encash ng Landbank, kasi stale check na!
Maraming nagrereklamo rito na 7 months na, wala pa yong Philhealth refund nila. Ang pinakamalungkot, yong isang case, natanggap na ng hospital yong Philhealth refund, kasi
natanggap na ng patient ang Philhealth benefit notice, pero 3 months na, hindi pa ma-refund ng hospital sa pasyente!
I appreciate the efforts Philhealth has been doing to improve its services, kagaya ng:
– CARES nurses
– improved website (mas mabilis ang website nila kesa Pag-ibig)
– hotline (merong sumasagot)
– more outlets such as those in Robinson Malls
– animal bite package
– discount ID card
– premium payment by cell phone load
– online registration by individuals
PERO… PHILHEALTH needs to do MORE…. Make PHILHEALTH BENEFITS PROCESSING FASTER!
Make Philhealth claims processing faster!
How to Claim Philhealth Refunds
How to Claim Philhealth Benefits for Overseas Hospitalization
Philhealth Maternity Benefits Requirements for Voluntary Members
Philhealth Benefits — Case Rates Payments for Certain Medical and Surgical Cases