In most cases, the success of married OFWs depends on the
wife or the husband of the OFW.
It’s the spouse in the Philippines who receives the salary of the OFW, and it is he or she who’s the one deciding how the money will be spent.
Woe to the OFW whose wife or husband is a mallgoer, a philanderer, a man-eater, a libre-dito-libre-doon, a madamot sa kamag-anak ng OFW, a pasikat, a tamad, or one who does not find ways to supplement the OFW salary.
If you’re an OFW wife or a husband, and you no longer have small kids to take care of, and you know that your OFW spouse might be terminated because of his/her illness, would you not find ways to supplement the OFW income?
Or lalo ka bang mangutang ng mga 5-6 para sa motorcycle o bagong cellphone ng anak?
I have a personal in-law problem related to this kind, and many times I rebel. Ito yong kasong nagtatrabaho ka, nagtitipid ka, tapos itutulong mo lang yong natipid mo sa pamilya na hindi naman lumingon sa iyo noong nagtatamasa sila ng OFW money? Na hindi man lang binayaran yong 100k plus at pluses pa na inutang sa iyo sa kanilang pag-apply sa abroad, at pag-solbar ng mga problema nila. Na meron pang nagawa sa abroad na ikinasama ng trabaho ng mismong tumulong sa kanya.
Now, this former OFW person is alone, in his dilapidated low-cost amortization-never-paid 19-square-meter house. Was forced to return back home for good because of a heart-related illness. The wife and the children are gone.
Who will help him? Again, yong mga taong lagi na lang tumutulong sa kanya kahit walang kapalit — paano kasi, hindi matiis dahil kadugo.
OFW wives and husbands, maawa kayo sa mga asawa ninyo na naghihirap sa abroad. I-explain ninyo sa mga anak ninyo ang hirap at sakripisyo ng mga asawa ninyo. Sabi dati ng isa kong nakausap na seaman, “Akala ng asawa at mga anak ko, sitting pretty ako sa barko. Hindi nila alam na nakababad ako sa tubig at nagkikiskis ng kalawang ng barko.”
Yong isa naman, sabi niya, “Hindi alam ng pamilya ko, natutulog ako sa double-deck. Para kaming sardinas sa isang kuarto. Agency lang kasi yong napasukan ko.”
Pag wala nang maliit na inaalagaan, maghanap ng legal na pagkakakitaan, na kaya ninyo at walang kalugihan.
Ngayon-ngayon lang, nagbigay na naman ako dito sa in-law na former OFW na ito. Wala na siyang pambili ng gamot at pagkain. Ang payat-payat na. Sana hindi ganito ang kahihinatnan ng OFW na kamag-anak ninyo.
Photo top right: by Ed Yourdon, CC BY-SA 2.0, flickr.com/photos/yourdon/2626864976
Photo top left: by Joe Szilagyi, CC BY-SA 2.0, flickr.com/photos/rootology/2659216848
Hi po. Hindi ko po alam ang pag-ibig no. Ng mother ko tas kailangan po yon para kumuha ng claims. Ano po ba gagawin ko? Salamat