Philhealth Eligibility Back to 9 Over 12 Months

9 Previous Monthly Contributions Na!
Effective October 1, 2018!

Siguro maraming nagreklamo sa biglaang announcement ng 9-within-12-months, so Philhealth moved the effectivity from January 1, 2018 to October 1, 2018 para members will have time to adjust…na dapat naman. 

So dapat tuluy-tuloy na ang pagbayad ng Philhealth contributions para laging eligible sa Philhealth coverage.
Pay your premiums every month, or every quarter, or every 6 months, or every year.

Ano ang gagawin ng mga na-deny ang Philhealth claims in January 2018 dahil na-apply agad ang 9-within-12 months na rule?

Request for your Philhealth documents from the hospital you were confined in, and file directly at the nearest Philhealth branch.

————————————————————–

Effective October 1, 2018

Hindi na kasya ang 3 monthly Philhealth contributions for Philhealth eligibility para sa mga Philhealth members.

Starting January 1, 2018 (extended to October 1, 2018 na), ang requirement na ngayon ng Philhealth para eligible ka sa Philhealth benefits ay nakapagbayad ka ng 9 monthly contributions sa loob ng 12 months BEFORE hospital admission.

Halimbawa, naospital ka sa buwan na ito, magbilang ka ng 12 months pabalik. Isama mo sa pagbilang ang buwan na ito. Para qualified ka sa Philhealth benefits, dapat nakapagbayad ka ng 9 months sa loob ng 12 months na nabilang mo. Kahit aling mga months, kahit merong laktaw, basta merong 9 months sa loob ng 12 months.

Dapat din na nabayaran mo lahat ng 9 monthly contributions BEFORE confinement. Hindi puedeng naospital ka na at may kulang sa bilang, at maghahabol ka ng payment. Hindi tatanggapin ng Philhealth ang contribution payments sa araw mismo ng admission sa ospital, o habang naka-confine. Dapat BEFORE the day of admission.

Ang requirement ba na ito ay para sa lahat ng types of members?

Yes. Ang hindi lang kasali ay yong members na merong Validity Dates ang Philhealth receipt o Philhealth card nila katulad ng mga Sponsored  at landbased OFWs.

Tumaas ba ang monthly contribution ng mga Individual Payors?

Hindi. 200 pesos pa rin per month.

Ang tumaas ay yong contributions ng mga Employees at Employers sa private or government, Kasambahay, at Seafarers.

Payment Deadlines for Philhealth contributions by Individual Payors:

Kapag Monthly ka nagbabayad:   Payment Deadline is Last Working Day of the Month

Kapag Quarterly ka nagbabayad:  Payment Deadline is Last Working Day of the Quarter

Kapag Semi-Annually ka nagbabayad:  Payment deadlines are Last Working Day of March and Last Working Day of September

Kapag Yearly ka nagbabayad:  Payment Deadline is Last Working Day of March

Ano ba yong sufficient regularity na sinasabi ng Philhealth?

Sufficient regularity of payment of Philhealth premiums. Sinasabi nila na hindi lang daw payment of 3 monthly Philhealth contributions ang kailangan para makakuha ng Philhealth benefit. Kailangan din daw na merong proof na regular na nagbabayad ng Philhealth contributions ang member.

Nag-refer sila sa Section 12 of Republic Act No. 7875 as amended by RA 10606, known as the National Health Insurance Act of 2013:
“A member whose premium contributions for at least three (3) months have been paid within six (6) months prior to the first day of availment, including those of the dependents, shall be entitled to the benefits of the Program: Provided, that such member can show that contributions have been made with sufficient regularity: Provided, further, that the member is not currently subject to legal penalties…”

References:

Philhealth Circular No. 2016-025
Schedule of Premium Contributions for the Members in the Informal Economy

Philhealth Circular No. 2017-0021
Application of Sufficient Regularity of Payment of Premium Contributions to the Required Qualifying Contributions for
Eligibility to Philhealth Benefits

9 Comments

Add a Comment
  1. Hi Monina, kung sure sana na June ka manganganak, puede na yong April May June payment, pero dahil puede ka ring May, hindi puedeng magamit yong Apr May June payment. Ang remedyo is magbayad ka ng one year in advance under the “Women about to give birth” policy. Tanungin mo yong hospital or clinic kung okay sa kanila itong advance one-year payment.

  2. Hi po,last year lng po ako nagmember ng philhealth,august po ako nag apply at nagbayad po ako january-dec 2017(annual contribution po) buntis po ako ngayon at duedate ko may 22-jaune 3 po,d po ako nakabayad mula jan-april 2018. Eligible po b ko s maternity benefits?Puede ko po ba bayaran ulit ang jan-dec 2018? Thanks

  3. Hi anna, did you mean you paid for April to Sep? Yes, covered ka in Sep. Mabuti at hindi October ang delivery mo, kasi 9 months na ang required starting Oct 1. Up to Sep 30, three previous monthly payments pa rin ang required.

  4. hi po good day! ask ko lang po nag contribute po ako ngayong may para sa 9months po, magagamit ko na po ba ito by sept? kasi po ayun yung due date ko manganak. maraming salamat po

  5. Hi Ms Nora,

    Thank you very much for quick reply. Sa lying-in clinic aku nag ppa check up pero hindi accredited sa Philhealth, she owns that clinic, pero nagppa anak din sya sa govt and private hospitals na pede nmn aku mag request if preferred ko manganak dun hospital if may vacant room lng or else sa lying clinic in aku. Okay, mag inquire nalang muna aku dun sa hospital about women about to give birth” policy or one-year-payment-in-advance.

    Thanks!

  6. Hi Bebe, hindi na tatanggapin ang payments for Jan to March, so by November, kulang ng 1 month yong Apr to November payment, so ask the hospital or clinic where you will give birth if you can use the “women about to give birth” policy na you pay for 1 year in advance, para you can avail in November. Some require that you have your prenatal checkups with them if you use this policy.

  7. Hi Bebe, sorry hindi na tatanggapin ang payments for Jan to March, so bayaran mo na lang ang April to March (12 months), pero before you pay, ask mo muna yong hospital or clinic where you will deliver if you can use the “women about to give birth” policy or one-year-payment-in-advance policy. Requirement na you have your prenatal checkups with them.

  8. Hi Ms. Nora,

    I’m inactive member of philhealth and planning na mag volunteer pay kasi I’m pregnant, first baby and due ko is November 2018, so applicable sakin un 9 within 12 months na? So I need pay 9 months from January – September 2018, or 12 months (January to December)?

    Thank you very much.

  9. ask ko lng po mam nora ang misis ko po ay nagbabayad ng philheath ko ay buwan ng june yun po ay yearly ang pagbabayad as ofw ..kakabasa ko pa lng sa ngaun na kung yearly ang pagbabayad kailangan ay magbayad sa last working days of march..salamat po

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Working Pinoy © 2008-2018 Frontier Theme