Philhealth Contribution — 2,400 Pesos a Year for Individual Payors

 

Updated February 8, 2018

200 pesos per month pa rin hanggang ngayon ang monthly Philhealth contribution for Individual Payors like OFWs, Self-Employed and Voluntary members.

200 pesos per month

or 600 pesos per quarter

or 1,200 pesos per 6 months

or 2,400 pesos per year

Ang mga OFWs, required na magbayad per year (one-time payment of 2,400 pesos), kasi mas mahirap at mas mahal sa kanila ang magbayad from abroad. Puede rin silang mag-advance payment for up to 3 years.

For other Individual Payors, you can choose to pay monthly, or quarterly or annually.

Parang nag-increase ang Philhealth contribution?

Yes, nag-increase, pero para lang sa mga Employees and Employers.

Nag-change din daw ang Philhealth Eligibility?

Yes. Starting October 1, 2018, nine monthly contributions within the past 12 months na ang requirement para ma-qualify ka for coverage.

Halimbawa, na-confine ka this month, magbilang ka ng 12 months paurong (isama mo this month sa bilang). Dapat sa 12 months na yan, meron kang nabayaran na 9 months.

——————————————————————–

Okay lang ba sa inyo ang pagtaas ng monthly Philhealth contribution or Philhealth premium for Individually Paying members from 1,200 to 2,400 pesos a year and for OFW members from 900 to 2,400 pesos a year?

At magsisimula na ito next year, 2012, kung walang wave of opposition from the public and from government authorities higher than Philhealth.

Sa inilabas na Circular No. 22 s-2011 noong December 16, signed by Philhealth President and CEO Eduardo P. Banzon, ang annual Philhealth contributions ng lahat ng klase ng Philhealth members ay tataas effective next year, with certain increases effective January 2012, and others effective July 2012 and January 2013.

Sa Individually Paying Member, tataas ang annual Philhealth contribution from 1,200 to 2,400 pesos.

Sa OFW member, tataas from 900 to 2,400 pesos.

Sa Self-Employed Professionals with a family income of more than 25,000 pesos a month, tataas din from 2,400 pesos to 3,600 pesos a year (pero na-declare na ito sa isang circular last 2010.)
[adsense]
Sa Sponsored Members, premiums to be paid by sponsors, such as DSWD and LGUs, will also increase to 2,400 pesos.

Pero nagbigay sila ng pampadulas or a way to smooth the transition to higher rates — 1,200 pesos a year pa rin kung bayaran mo agad yong 1,200 pesos for 2012 or 2,400 pesos for 2012 and 2013 within January to June 2012.

Sa Employed Members, mag-increase from 2.5% to 3% of monthly salary base, at effective ito January 2013. Ang lowest monthly premium ay 210 pesos (105 from employee, 105 from employer) at ang highest ay 1,500 pesos (750 pesos from employee and 750 pesos from employer). The lowest salary base is 7K pesos and the highest salary base is 50K pesos. An employee earning 15,000 pesos a month would pay 225 pesos a month and his/her employer would pay 225 pesos a month.

Sa Lifetime Members, wala itong effect kasi libre na sila for the rest of their lives. Available itong Lifetime membership sa lahat ng Philhealth members na 60 years old and above at nakapagbayad ng at least 120 monthly Philhealth contributions (kasama ang monthly premiums noong Medicare pa).

Philip C. Tubeza reported on Inquirer.net on December 21 that migrant rights groups including the Blas F. Ople Center, Kabalikat ng Migranteng Pilipino, Kalahi-Advocate for Overseas Filipinos and Filipino Migrant Workers’ Group are protesting the imposition of the Philhealth contribution increase without public consultations and that Philhealth has scheduled a meeting with the OFW advocates.

Paano kaya tayo na Individually Paying Members? Sinong advocates natin? Tayo-tayo rin. Mag-comment tayo sa OWP-Philhealth sa Facebook at sa comment sections ng news articles about Philhealth sa Inquirer.net, philstar.com, gmanetwork.com/news, abs-cbnnews.com at iba pang news networks.

12 Comments

Add a Comment
  1. Hi Ugly, gamitin mo na lang muna ang married name mo sa hospital o clinic kasi married name mo ang Philhealth receipt mo. Puedeng mag-change ng surname sa Philhealth pero kelangan ng annulment o legal separation document, which is super expensive. Puede ring kumuha ng new Philhealth number or new membership (under your single name), pero lagpas ka na sa payment deadline kung magbayad ka ng bagong Jan to March payment under your single name and new number.
    Puede namang gamitin mo ang Philhealth mo under your married name sa panganganak mo kahit magkaiba ang surname mo at surname ng baby mo. Puede rin maging dependent mo ang anak mo kahit iba ang surname ng baby kasi sa birth cert naman, makikita na ikaw ang mother.

  2. Hi Pretty, puede kang ma-cover ng Philhealth policy na “women about to give birth,” basta magbayad ka ng for one year at first time mo naman siguro na gamitin itong policy na ito, kasi once lang ito for each member. Tanungin mo rin yong clinic o hospital kung saan ka manganganak kasi required rin na magpa-checkup ka doon sa gagamitan mo nito at para ma-sure na familiar sila sa “women about to give birth” policy.

  3. Ang philhealth ko po surname ng legal kong aswa ,wala n po kami ng legal kong aswa my bago n po akong aswa at ndi pa kmi kasal
    Pagmanganganak po ako magagamit ko po ba ang philhealth ko f ang gagamitin ko ai ang surname ko ..or surname ng kinakasama ko ngaun para s surname ng anak namen

  4. Hi manganganak na po ako dis coming may magbabayad ako dis april for 12months .
    Magagamit ko po ba ang philhealth ko pag manganganak n ako dis coming may.
    Thank you

  5. Hi Kristel, if you pay today, ang bayaran mo is March, 22 2018 to March 22, 2019 para covered ka agad starting today. Hayaan mo na yong past unpaid kasi past na, hindi mo na puedeng bayaran at saka hindi na rin siya magagamit.

  6. Good day. Ask ko lang po paanu po if na stop po ako ng hulog from august 2017 to febrauary 2018, pede ko pa po ba hulugan yun ngayon ang covered period is from august 2017 to august 2018? Ofw po ako.

  7. Hi Ailyn, you said last payment mo was Oct 2017, so one quarter lang ang na-miss mo, so punta ka lang sa Bayad Center and pay for Jan to March 2018 (3 months for 600 pesos) or 6 months (1,200 pesos) or the whole year (2,400 pesos). Dapat keep your receipts kasi kelangan mo ang receipts sa hospitals na required nila ang receipts kahit meron nang online inquiry system for hospitals. Pag madaling araw, try to register at philhealth.gov.ph so you can make payments inquiry. Find “Member Inquiry” and “Register” sa right side.

  8. Oke po un sa akin,pano po AQ mg hhulog

  9. 2,400 po year na po un??

  10. Gud pm po,ask lang po ako Kong mag kano po ihuhulog ko kada bwan,na stop ko po kc pg hulog nung October.2017,at pano KO po makita Kong mg kano na nahulog q thank u

  11. Hi may, yes, kelangan lang ng proof ng pagiging tricycle driver niya. If he has no SSS no. yet, then he gets his no. first by filling up E1 form and present his birth or baptismal certificate (orig and xerox). Pag meron nang no., he fills up RS1 form (Self-employed) and present his driver’s license, barangay certification that he’s deriving his income from working as a tricycle driver, or tricycle driver’s association certification, or tricycle’s OR and CR if he owns the tricycle. Merong SSS officer na strict at maghahanap pa ng ibang proof of source of income, pero meron namang iba na okay na yang mga sinabi ko.

  12. pwedi bang mag apply ng philhealth ang kapatid ko n√° tricycle driver ano ano ang mga kailangan sa pag apply??

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Working Pinoy © 2008-2018 Frontier Theme